^

PSN Opinyon

PAGCOR top revenue earner ng gobyerno

- Al G. Pedroche -

KUNG problema ng gobyerno ang mababang koleks- yong buwis, at least mayroong isang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR)  na maituturing na korporasyong nakapagbibigay sa pamahalaan ng pina-ka­malaking kita.

Sa unang anim na buwan ng 2007, may dahilan si PAGCOR Chair Efraim Genuino na ipagmalaki ang  kitang P13.30 bilyon kumpara sa P12.22 bilyong kinita ng korporasyon sa unang anim na buwan ng nagdaang taon. Hindi lang mga socio-civic projects ang natutulu­ngan ng PAGCOR.  Kapag may lumalapit sa ating mga maralita na nangangailangan ng medical assistance,  agad tumutugon sa kanila ang PAGCOR.

Tourism-based kasi ang PAGCOR. It banks on local and foreign tourists, bukod pa sa mga mayayamang Pinoy na  tumatangkilik sa Casino bilang dibersyon. Kung wala ito, baka lalong mamilipit sa paghahanap ng pondo ang gobyerno para ipantakip sa mga importan­teng proyekto nito.

Ngayon nga lang ay kung anu-ano nang dispaling­hadong ideya ang nasok sa kukote ng mga revenue think-tanks  ng gobyerno. Pati ordinaryong tao ay ipapailalim na sa lifestyle check para malaman ang eksakto nilang kita at kung nagbabayad  sila ng tamang buwis o hindi.  Okay iyan kung walang mga multi-bilyonaryong naka­kalusot sa pagbabayad ng buwis. Yun bang mga ‘‘untouchable” sa gobyerno. Hindi matinag-tinag porke may hatag sa mga matataas na opisyal. Paano naman si “Juan Pasang-Krus” na ang katiting na kita ay pagdidiskitahan pa yata para ipantapal sa buwis na hindi nasisingil mula sa mga masasalapi at maimpluwensya? Huwag namang pahirapan ang mga maliliit na tao. Dapat pa nga’y ilibre sa buwis ang marami sa mga karaniwang mamamayan dahil sa hirap ng buhay ngayon.

CHAIR EFRAIM GENUINO

DAPAT

HUWAG

JUAN PASANG-KRUS

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with