^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Isinuka na ang ROTC pero balak ibalik uli!

-

PINATAY si Mark Wilson Chua ng mga kasa­mahang ROTC cadet sa University of Santo Tomas noong 2001. Ibinulgar ni Chua ang mga kati­waliang nangyayari sa ROTC sa nasabing uni­bersidad. Ginantihan si Chua. Binugbog at binalot ng carpet ang katawan at saka inihulog sa Ilog Pasig. Pero walang krimeng hindi nabubunyag. Nadiskubre ang krimen at nahuli ang mga pumas­lang. Iyon ang naging daan para alisin sa curriculum ang Reserve Officers Training Corps. Nabahiran na ng katiwalian at dugo.

Pero ngayon ay may proposal ang isang mam­babatas na ibalik ang isinukang ROTC. Ang pagba­balik daw ng ROTC ang magiging daan daw para magkaroon ng may kalidad na reserve force ang military. Mahusay daw ang mga officers na pino­produce ng ROTC.  Ang nagsusulong sa muling pagbabalik sa curriculum ng ROTC ay si Cebu Rep. Eduardo Gullas. Napapanahon na raw para ibalik ang ROTC.

Napakababaw ng kanyang dahilan na ito lamang ang paraan para magkaroon ng mahuhusay na reserve officers ang military. Paano makasisiguro na magkakaroon ng may kalidad na officer ang military kapag nakatapos ng ROTC gayong hindi naman gaanong dumadaan sa matinding training. May mga kadete ng ROTC na hindi nga nakaranas na huma­wak ng baril. Pawang pagmamartsa at pagpa-parade in review lamang ang natutuhan ng mga ROTC cadet habang nakabilad sa araw kung Linggo.

Ano ang magagawa nang mahusay na pagma­martsa? Hindi magiging batayan ang husay ng pagmamartsa para maging mahusay na reserve officers ng military.

Kung ipipilit ang pagbabalik ng ROTC sa curriculum, hindi malayong maulit ang nangyari kay Mark Wilson Chua. Muling yayabong ang corruption sapagkat may mga officer na tatanggap ng pera mula sa estudyante para lamang huwag nang mag-ROTC. Posible ito at baka mas lalo pang maging talamak.

Ipagpatuloy na lamang ang National Service Training Program (NSTP) na ginagawa mula pa noong 2001. Sa ilalim ng NSTP nakapipili ang estud­yante ng gusto niyang gawing serbisyo. Huwag nang isulong ang pagbabalik ng ROTC sapagkat hindi na magiging katanggap-tanggap ang bagay na nabahiran ng dugo at katiwalian.

CEBU REP

CHUA

EDUARDO GULLAS

MARK WILSON CHUA

NATIONAL SERVICE TRAINING PROGRAM

PERO

ROTC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with