^

PSN Opinyon

Mahirap nang maipatigil ang jueteng

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

IPINAHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Calderon na bumalik ang jueteng sa Nueva Ecija, Bulacan, Batangas at Pampanga. Nagpalit daw kasi ang mga lokal na opisyal matapos ang eleksyon noong Mayo. Sinabi ni Calderon na kailangang baguhin ang sistema sa kampanya versus jueteng.

Nakatatawa ang pahayag ni Calderon. Akala siguro niya ay gunggong ang taumbayan na basta na lamang manini­wala. Hindi naman natigil ang jueteng sa mga lugar na sinabi niyang nagsara. Patuloy ang mga kubrador at araw-araw ang bola. May mga extra pang bolahan na ginaganap dahil nag­hahabol para may pandagdag sa ibibigay nilang pabaon sa mga matataas na opisyal ng PNP na malapit nang mag-retiro. Kaya mahirap pani­wa­laan na nahinto ang jueteng.

Mahirap nang maipatigil ang jueteng. At siguro, matitigil lamang ito kung ang mga mamamayan ay makapagha­halal ng pinuno na ang iisipin ay ang kapakanan ng nakararami at hindi ang sarili nila lamang.

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Tingnan kung ang sitwasyon ng Pilipinas ngayon dahil sa klase ng mga namu­ muno. Hindi sila maaaring pagkatiwalaan. Hindi sila kapuri-puri at kapaki-pakinabang.

BATANGAS

BULACAN

DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

KAYA

MAHIRAP

NAGPALIT

NUEVA ECIJA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with