CHEAP medicine bill. Iyan ang tawag sa isinusulong na batas sa Kongreso na layuning ibaba ang halaga ng gamot sa bansa. Pangit ang kahulugan ng cheap. Hindi lang halaga ang mababa kundi pati kalidad. Sabagay terminolohiya lang iyan. Pero sa palagay ko mas mabuting palitan ng “low cost” ang katagang “cheap.”
Ayon kay Iloilo Rep. Ferjenal Biron na principal author ng panukalang batas, ang presyo ng gamot ay maiba- baba nang mula walumpu hanggang pitumpung porsi-yento kapag ang bill ay naisabatas. Maganda. Maraming dahop na Pinoy ang namamatay na lang sa karamdamang hindi nalunasan dahil sa mataas na halaga ng medisina.
Ire-regulate kasi ng gobyerno ang halaga ng gamot mula sa manufacturing hanggang sa transport at distribution nito.
Kaya kung ang gamot ay gawa sa Pilipinas, sigu radong mababa ang halaga nito, ani Biron. Ayos din ang isinasaad sa bill na pagtatayo ng super drug regulatory agency gaya ng Food and Drug Administration ng Amerika. Importanteng maisailalim sa superbisyon ng gobyerno ang mga drug manufacturers para tiyaking mata as ang kalidad ng gamot na ginagawa nila. Baka kasi dahil sa pinababang presyo ay tipirin din ang formulation ng gamot. Inuulit ko, sana low cost pero hindi cheap ang quality. Aba, buhay at kalusugan ng mga Pilipino ang nakataya riyan.