^

PSN Opinyon

Nieves at Noriega protektor ng jueteng sa Pinas

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGMAMADALI ang mag-among Nieves at Noriega sa Crame kasi gustung-gusto  nilang maging instant millionaire bago bumaba ang kanilang Panginoon sa impiyerno este mali Crame pala. Ika nga, two months to go!

 Panay ang kanta nina Nieves at Noriega ngayon ang title ay “goobye my teacher goodbye”, he-he-he!

Ang hindi alam ng mag-amo malapit na silang matapon sa kangkungan kasi nga ang  Panginoon nila ay bababa na sa trono. Sabi nga, weder, weder lang!

Paglabas ng kolum ng Chief Kuwago ay uumpisahan ng Military Ombudsman ang imbestigasyon sa dalawang mag-among foolish cop.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa pangongorap ng dalawang mag-among Nieves at Noriega na parehong miyembro ng foolish cop ay siguradong swak sila sa Military Ombudsman. Sabi nga, buti nga, Lord!

Ilang kamote rin tumawag sa Chief Kuwago na mga aso ni Noriega at Nieves para tigilan ang pagbubulgar sa kanilang illegal business. Ang jueteng sa mga province.

Sa Zambales nakuha ni Don Juan, ang bagong financer ng jueteng na dagdag kina Tony Ong, ang druglord at Peping daldal ibinabandera ng mga kamoteng ito sa tulong nina Noriega at Nieves na may basbas daw si Zambales Governor Amo Dolozo sa mga kamote.

P5 million pa raw ang sinasabing tinanggap ni Governor para huwag matigil ang jueteng sa probinsiya. Totoo kaya ito?

Mahirap paniwalaan ang mga pinagkakalat ng grupo ni Nieves at Noriega pati si Amor na may edad na ay gusto pang sirain.

Ito ang mga lugar at kubransa araw-araw sa Zambales na kinikita nina Don Juan, Tony Ong, Peping daldal sa Palawig P200,000, Iba P450,000, Cabangan P250,000, Masinloc P300,000, San Marcelino P400,000, Sta.Cruz P300,000, San Marcelino P400,000, San Felipe P150,000, San Antonio P300,000, Castillejos P400,000 at Subic P550,000.

Ang Panginoon nina Nieves at Noriega ay nabibiyayaan ng P2 million kada buwan sa operasyon ng jueteng.

Masyadong bagyo sina Nieves at Noriega sa kapulisan sa Region 3 dahil up to now ay hindi mapahinto ang jueteng operation todits.

Hindi po pari sina Noriega at Nieves dahil sila ang nagbibigay ng bendisyon para makapagsimula ang illegal gambling sa mga probinsiya kundi mga aso sila ng isang tired official sa Crame.

Gusto pang ipapatay ng grupo nina Nieves at Noriega, siyempre kasama si Don Juan ang financer ng jueteng ang reporter namin sa Zambales.

Kaya Office of the Ombudsman for Military Affair, take note!

Kambiyo issue, sa Benguet - Baguio ay namamayagpag naman si Allan Roxas ang kasanggang dikit ni Vic Yap sa jueteng porke ang laki ng kubransa todits araw-araw.

Ang mag-asong este mali amo pala si Nieves at Noriega ang nagbigay ng go signal para hindi mahinto ang jueteng sa nasabing province.

Governor Fongwan at Baguio City Mayor Peter Bautista, ano ito?

Ipinagmamalaki ng dalawang mag-gago este amo pala na sina Nieves at Noriega na naayos daw kayo para pabayaan ang jueteng operation sa probinsiya.

Naku Gov at Mayor mukhang sinasangkalan ng mag-among Nieves at Noriega ang inyong mga pangalan.

Sabi nga, sinisira ang inyong kredibilidad sa inyong mga cons­tituents. Wala ng magawa ni General Raul Gonzales sa jueteng sa kanyang jurisdiction dahil happy siya este mali paretiro na ito.

Si Chief Supt. Eugene Martin, ang hahalili kay Gonzales kaya tiyak masaya ang jueteng este mali maari palang matigil ang jueteng.Hindi na mapipitil ang pag-upo ni Martin sa CAR porke alaws sa mga kasamahan nito sa Crame ang komontra para siya ang maging Regional Director.

General Martin ito ang listahan ng lugar na ginagamit nina Nieves at Noriega sa Benguet - Baguio take note - Mabini, Mt. View, Anger 1, Military Cut-Off.  Three times a day ang bolahan sa nasabing place 11:00 ng umaga, 5:00 ng hapon at 10:00 ng gabi.

Bongga ang kubransa dito hindi biro ! Ang mga tagapamahala ng bolahan ay sina Donny, Jon, Wiiliam at Tony.

Narito din si Madonna o Mado ang batang sarado ni Dose o Pineda.  Sina banlaw at patagan ang operator.

“Ano ang sinasabi ng kaparian sa Baguio - Benguet ang dami pa naman simbahan dito?” tanong ng kuwagong oslo.

“Tahimik sila,” sagot ng kuwagong maninisid ng tahong.

“Kung magkakaroon ng pagbabago sa foolish cops mawala kaya sina Nieves at Noriega sa picture?” tanong ng kuwagong haliparot.

“Tiyak iyan dahil weder, weder lang sa rakpadudels.”

“Last time sabi mo pahihinto ang jueteng sa Zambales?” tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

“Maniwala ka kamote, malapit na itong umpisahan.”

“Paano?”

“May grupong magsasalita at magbubulgar ng kalokohan sa jueteng.”

“Baka walang political will ang grupo dyan sa Zambales?”

“Kaya nga puro politika todits alaws will”

“Dyan kamote tama ka !”

Abangan.

CRAME

JUETENG

NIEVES

NORIEGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with