TOTOO yatang tuluy-tuloy nang bababa sa puwesto si President Arroyo matapos ang kanyang termino sa 2010. ‘Yung mga pulitikong dapat makaalam kung may ibang plano para patagalin sa puwesto si GMA ay mga aktibo sa kanilang pagtakbo sa pagka-president sa 2010.
Pumuporma na si Senate President Manny Villar at mga senator na sina Mar Roxas, Ping Lacson, Loren Legarda at Chiz Escudero. Nagsisiraan na sila na parang hindi magkakapartido. Hindi na magkasundo at naglalaban-laban na. Atat na atat silang maging susunod na Presidente ng Pilipinas.
Iisa ang ibig sabihin, naniniwala silang walang am-bisyon si GMA na tumagal sa puwesto. Ipinahayag naman kasi ni GMA sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na tuloy na ang pagbaba niya sa 2010. Hindi raw siya hadlang sa sinumang nais ma- ging Presidente. Pero nagbiro siya na baka raw tumak-bo na lamang siyang representative ng kanyang probinsiya.
Palagay ko nagbibiro lamang si GMA sa kan - yang sinabi para may mapag-usapan tungkol sa kanya.
Ang paniwala ko ay katulad din ng paniwala nina Villar, Roxas, Lacson, Legarda, Escudero at iba pang may ambisyong maging presidente, na tatapusin na lamang ni GMA ang kanyang termino sa 2010.