^

PSN Opinyon

Nag-hudas nga ba si Erap kay FPJ?

- AL G. Pdroche -

GUSTO kong ituloy ang natalakay na nating topic tungkol sa “Hello Erap” scandal na hangga ngayo’y bitin pa rin dahil hindi pa nailalantad ang sinasabing audio tape.

Nakipag “unholy deal” daw si dating Presidente Estrada sa isang palace official sa telepono bago ganapin ang presidential polls nung 2004.  Ang quid pro co: bibiyakin ni Erap ang oposisyon kapalit ng panalo sa senatorial race ng kanyang anak na si Jinggoy. Kapwa tumakbo sa pagka-pangulo sina Fernando Poe, Jr. at Ping Lacson. Hindi nagbigayan kaya hayun, tinalo sila ni PGMA. Nahati nga naman ang oposisyon. Ang kausap daw ni Erap ay si Presidential Adviser Mike Defensor. Parehong nag-deny ang magkabilang kampo.  Kung hindi ilalantad ang audio tape, mahirap paniwalaan iyan.

Para kina Sen.Gringo Honasan, at dating Sen. Tito Sotto posibleng totoo ang akusasyon  base sa mga pang­yayari noong 2004. Naganap daw ang deal sa birthday ni Erap nung Abril 19, 2004. Kung pagtutugma-tugmain daw ang mga confluence of events ani Honasan, baka raw reliable ang eksposey. Si Honasan ang chief security ni FPJ noon.  Nagtaka raw si Sotto kung bakit inilag-lag siyang bigla kasama sina Honasan at dating Sen.Tessie Aquino Oreta. Sinibak si Sotto bilang campaign manager ng partido pero pinanatili siyang personal campaign manager ni FPJ. Nanatili naman si Oreta sa timon ng panga­ngasiwa sa kampanya.

Iginiit daw ni Erap  na talagang mahirap kausapin si Lacson, bagay na kinontra ni Sotto na naniniwalang “madaling kausap si Ping”.  Ngunit para kay Sen. Loren Legarda na naging run- ning mate ni FPJ noon, wala daw itong katoto­ha­nan. Iyan din ang pananaw ni Sen. Francis Escudero   na tagapagsalita ng UNO noong 2004.  Sana’y huwag nang ligaligin ang isip ng sambayanan. Kung sino man ang nag-aakusa, pa­tunayan ang alegasyon sa pamamagitan ng pagla­lantad ng audio tape.

Si Erap na mismo ang nag­hamon na “ilabas ang tape at iparinig sa bayan” para matuldukan na ang usapin.

ERAP

FERNANDO POE

FRANCIS ESCUDERO

GRINGO HONASAN

HELLO ERAP

SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with