^

PSN Opinyon

SONA

K KA LANG? - Korina Sanchez -

TAPOS nang magbigay ng SONA ang Presidente. Natural, may mga natuwa, may mga nainis. Mga kaalyado ng administrasyon ang nasiyahan naman sa mga pro­yekto at programa na kasalukuyang ginagawa, may mga patapos na rin. Mga paliparan, kalye, ro-ro, tulay. Inpras­truktura ang aatupagin ng administrasyon ni GMA itong huling tatlong taon ng kanyang termino. Mga kumo­kontra naman, wala naman daw saysay ang talumpati ng Presidente tungkol sa estado ng bansa dahil hindi naman daw pinag-usapan ang mga maha­halagang isyu tulad ng trabaho, sahod, at mga kontrobersiya kung saan sangkot ang gobyerno tulad ng katatapos na eleksyon, mga political killings, paglabag sa kara­patang pantao at iba pa. Sa totoo lang, kelan naman sumang-ayon ang mga grupong ito sa kanino mang SONA? Layunin nila ang bumatikos sa pamahalaan, sinuman ang nakaupo.

Kung susuriin natin ang talumpati ng Presidente, siya ay naglista lamang ng kanyang mga programa at pro­yekto, maging paumpisa pa lamang o patapos na. Pinani­nindigan niya ang kanyang hangarin na mag-iwan ng magandang pamana sa mamamayan, sa pamamagitan ng inprastruktura at serbisyo sa taum­bayan. Ang gagawin na lamang ng susunod na Pre­sidente ay hahanguin na lamang ang kanyang mga itinanim. Pinag-usapan niya ng bahagya ang mga pinatay na may kaugnayan sa pulitiko, na dapat gumawa ng mga batas na magbibigay ng matinding parusa sa mga gumagawa nito, at magbibigay ng mabilis na hustisya sa mga biktima. Hiningi rin niya na isama na rin sa budget ng gobyerno ang mga grupong nagbabantay sa tuwing eleksyon upang mapatupad ang isang malinis at mapayapang halalan. At hiningi rin niya sa Kongreso ang pagpapasa ng dalawang mahalagang batas; ang Cheaper Me­dicine Bill at ang EPIRA, na parehong mag­bababa ng presyo ng gamot at kuryente. Iwas pusoy naman siya sa usapang pulitiko, elek­syon sa Maguin­danao, kay Bedol at Comelec, at kung anu-ano pang bu­mu­bulok sa kanyang admi­nis­trasyon. Nagpa­hayag din na hindi siya ha­had­lang sa am­bisyon ninuman, pero papalag siya sa sinuman ang ha­hadlang sa pro­greso ng bayan.

Sa unang pandinig, maganda ang mga sina­sabi ng Presi­dente. Puro pampa­ganda nga naman ng paligid at buhay ang mga inihain niya sa tao. Mas maraming kalye, pa­li­paran at mas mu­rang gamot at kur­yente. Pero ganyan naman talaga ang ta­lumpati ‘di ba? Bakit mo nga naman pag-uusapan ang mga pag­kukulang, pagka­kamali o pagkakasala mo? Dapat nga siguro bago magsalita ang Pre­si­dente sa mga SONA, may magsasa­lita muna para itanong kung anu-ano na ang ipina­tupad niya sa nakaraang SONA. Iyan ang tamang sukat ng isang naninilbi­han sa mamamayan. Totoo ang kasabihan na mas pan­sinin ang ma­­liit na itim na tuldok, kaysa sa na­pa­­kalawak na puting-tabing. Kahit gaano ka­ganda pa ang suot mong terno.

BAKIT

BEDOL

CHEAPER ME

COMELEC

DAPAT

HININGI

INPRAS

NAMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with