Ang tunay na serbisyo publiko ng BITAG
INIHAHANDA na ng BITAG ang aming patibong para sa isang nationwide operation sa buong kapuluan ng Pilipinas. Mula Luzon, Visayas hanggang Mindanao, ikakasa na ang patibong ng BITAG.
Marami na kaming natatanggap na reklamo, tips at sumbong sa texts, e-mails at tawag sa telepono, mga impormasyon ng katiwalian, pang-aabuso, panloloko o panggagantso.
Karamihan sa mga ito ay mula pa sa mga probinsiyang Bacolod, Iloilo, Davao, Cagayan at marami pang iba na nanggaling pa sa malalayong rehiyon.
Ang operasyong ito ay bunsod ng pagpapalawak ng serbisyo publiko ng BITAG. Kasalukuyan kaming nasa proseso ng innovation kung saan, bagong makatotohanang estilo ng serbisyo publiko ang ikakasa ng BITAG.
Mula noon hanggang ngayon, ang tunay na serbisyo publiko ng BITAG ay may tanging layunin — ang makatulong. Sa maliit o malaki mang paraan, ginagawa ng BITAG na mabigyan ng katugunan ang mga problema, sumbong at tips na ipinagkakatiwala sa amin.
At sa BITAG, “hindi kami namimili ng mga biktimang nagsusumbong”. Mahirap man, mayaman, bata, matanda, lalaki, babae o mapa-3rd sex man, basta’t biktima ng katiwalian, panloloko at panggagantso, nakahandang tumulong ang BITAG SA ABOT NG AMING MAKAKAYA.
Maliit o malaki mang personalidad at establisyimento, oras na inireklamo dahil sa kasamaan ng aktibidades, walang sinasanto ang patibong ng BITAG. At sa tulong ng batas at mga operatiba ng kapulisan, natutuldukan namin ang kanilang kalokohan.
Nais lang klaruhin ng BITAG sa kolum na ‘to, LIBRE AT WALANG BAYAD ANG AMING SERBISYO PUBLIKO. Walang sinuman sa grupo ng BITAG ang naniningil ng bayad para sa aming public service. Kung sa ibang giant stations o mga programang itinatapat sa BITAG, itinuturing ang Public Service na par-te ng kanilang News, Public or Current Affairs, hindi namin estilong makipagsabayan.
Sa BITAG, parte na ng aming buhay ang ganitong trabaho.
Muli naming inaanyayahan ang mga mamama yan, concerned citizens at tipster na makipag-ugnayan sa BITAG sa mga impormasyong nais iparating sa amin. Nasa baba ng kolum na ito ang aming mga numero sa telepono, texts at e-mail address.
- Latest
- Trending