P2.6 million a day jueteng sa Baguio

BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Laong-Laan lodge 185 ng Free and Accepted Masons of the Philippines sa very successful anniversary nila noong Sunday sa Balara, Quezon City.

Sangkatutak na mga Masons ang pumunta at dumalo sa selebrasyon ng Laong-Laan lodge. Sabi nga, sang­katerba ang tsibog!

Pinasasalamatan ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga kuyang na nagsidalo sa nasabing okasyon. Sabi nga, Brotherly Love, Relief and Truth! MABUHAY ang Laong-Laan lodge.

Ang isyu, akala yata ng mga hunghang sa Benguet-Baguio City ay  dehins makakapa ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Vic Yap, ang bagong bangka ng jueteng sa Cordillera Autonomous Region. Sabi nga, nagmaskara pa!

Ano ba ito CAR PNP Director Raul Gonzales, Sir?

Silent si General Gonzales sa kanyang lugar parang tulog kapag ang isyu ng jueteng ang pinag-uusapan sa Camp Crame. Naku ha? Sino kaya ang protector todits?

Sinabi ng asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matindi ang operation ng jueteng sa Benguet at nakatago sa palda ng erpat este mali ermat pala si Vic Yap para hindi makapa na siya ang bigtime at influential financer ng dayaan bolahan sa region.

Sina Raffy palanggana, isang burongoy kupitan sa Benguet kasama ang isang Mando at isang Ador a.k.a. PIKOY ang ginagamit na front ni Vic Yap. Ika nga, ang dalawang kamoteng ito ang tagatahol ni Vic Yap sa Baguio! Ika nga, super alila este alalay pala.

Sabi nga, bangka kuno!

Ang bata naman ni 12 o dose ang tawag kay Bong, jueteng magnate este King pala  sa Lubao, Pampanga na si MAD o Madonna ang tagasuhol ng ganansiya sa mga bugok na tulisan este mali kapulisan pala na kumukunsinti sa dayaan bolahan sa Baguio.

Sina Allan at Tito ang mag-utol na taga-Tarlac na sinasabing anak ni Gusting ang aso ni Vic Yap dyan sa Benguet. Ika nga, malakas kumahol!

Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit hindi natitinag sina Governor Fongwan at Baguio City Mayor Peter Bautista sa sugalan sa kanilang lugar gayon alam na alam ito ng kanilang mga kababayan.

Hindi kaya sila magising sa katotohanan na talamak ang dayaan bolahan sa kanilang lugar. Sabi nga, hoy gising!

Siguro dapat alamin ng mga kabig nina Fongwan, Bautista at General Gonzales ang lugar ng bolahan ng jueteng sa Benguet-Baguio.

Tatlong beses sa loob ng isang araw ang binobola ang jueteng sa may quarry, Mabini, Mt. View, Anger 1, military cut-off.

Ang namamahala sa lugar ng jueteng na may malaking porsiyento para sa kani-kanilang mga babae ay sina Donny, Jon, William at Tony.

May montehan pa sa may Bato St. for your information General Eugene Martin este mali General Gonzales pala.

Umuugong kasi ang pangalan ni Martin na papalit kay Gonzales oras na magkaroon ng malawakang rigodon sa hanay ng Philippine National Police Force. Kailan kaya?

Hindi pa man nangyayari ang balasahan lumulutang na ang pangalan ni Martin porke masyado na itong ginagasgas ng mga gambling lord sa Benguet.

General Martin, ugain mo nga ang mga kamote para madala.

Akalain mo hindi ka pa umuupo aspiring candidate ka pa lang ay ginagasgas na ang pangalan mo ng grupo ni Vic Yap.  Sir, ikaw na ang bahala!

Ano kaya ang say ni Governor Fongwan todits na talamak ang illegal gambling sa kanyang teritoryo ?

Siyempre wala kaya nga ang mga kuwago ng ORA MISMO, na ang nagbubulgar para makarating sa kanyang kaalaman kung tulog pa siya.

Gumising ka Governor kung natutulog ka pa para maaksyunan mo ang jueteng sa iyong teritoryo kasi sangkaterba na ang nagugumon sa jueteng na dinadaya naman ng mga tauhan ni Vic Yap kawawa naman ang mga ma-e-erap na kababayan mo nagbabakasakaling manalo sa dayaan bolahan.

Nagkamali ang aso ni Vic Yap hindi marunong mangamoy akala nila hindi sila makakapa ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa kanilang lungga.

“Tago pala ang pangalan ni Vic Yap sa underworld ?” sabi ng kuwagong tuliro ang pag-iisip.

“Tiyak matataranta ito kapag nakita ang pangalan niya sa kolum ng mga kuwago ng ORA MISMO,” anang kuwagong haliparot.

“Paano ngayong amoy na siya ang wealthy at influential financer ng jueteng?” tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

“Maganda nga para malaman sa Region 3 sa CAR siya namamayagpag” sabi ng kuwagong Kotong cop.

“Nagpalit ba ng bangka sa jueteng ang grupo diyan sa Benguet-Baguio?” tanong ng kuwagong retired General.

“Iyon ang palabas ng mga kamote sa Baguio.”

“Bagong usbong bilang gambling lord ang pangalan ni Vic Yap sa Benguet - Baguio”

“Tama iyan kamote ngayon alam mo na ang bangka.”

“Para ano?”

“Kamote, para hindi ka mabukulan sa intelihensiya nila.”

Abangan.

Show comments