ANG Wednesday Club ng Senado na kinabibilangan nina Senators Manny Villar, Joker Arroyo, Kiko Pangilinan, Ralph Recto at Vice President Noli de Castro ay malamang na malagasan ng isang miyembro. Ito ay si Recto na hindi makapasok sa magic 12.
Kahit hindi pa tapos ang pinal na bilangan, maaari nang ipagmalaki ang pagkapanalo nina Villar, Arroyo at Pangilinan sapagkat ang mga ito ay malaki na ang kalamangan ng boto kung kaya’t kasama ang mga ito sa mga nangunguna sa listahan ng mga nanalo sa pagka-senador. Hindi pa rin nag-iisip mag-concede si Recto na katulad ng ginawa ni Mike Defensor. Umaasa ang kampo ni Recto na aangat ang posisyon kapag nabilang na ang mga boto mula sa ilan pang malalaking presinto sa ka-Mindanaoan.
Si Ralph Recto ay isa sa mga inaasahang papasok sa Senado sapagkat maganda ang kanyang performance, may pondo at malaki ang maitutulong sa pangangampanya ng asawang si Vilma Santos.
Kung matatalo si Recto, hindi ko alam ang kahihinatnan ng kanyang plano noon na tu makbo sa pagka-presidente sa 2010. Plano rin ng kanyang mga kasamahan sa Wednesday Club na kumandidato. Maglalaban-laban siguro sila. Ewan ko kung paano nila iiwasan ang paglalabu-labo at ang batuhan ng putik.
Madugo na ang nakikita kong senaryo sa 2010. Bukod sa mga miyembro ng Wednesday Group, may mga atat na atat ding maging Presidente ng Pilipinas. Nariyan si Ping Lacson at Loren Legarda na nagpapakama- tay na maging number one sa pagka-senador nitong nakaraang eleksyon. Nariyan si Mar Roxas at Richard Gordon.
Ang kampo ni GMA ay tiyak na may mga bataan din na patatakbuhin sa 2010. Abangan ang kanilang pagsasagupa.