^

PSN Opinyon

1 sakop sa pbma 'konbikto

- Bong Soriano -

Umutang ang mag-asawang Tony at Tonet sa pinsan nilang si Remy at asawa nitong si Azon ng P1.5 milyon na mababayaran sa loob ng isang taon sa tubong 18% kada taon at ginagarantiya ng isang sangla ng lupa (TCT No. 43723) na matatagpuan sa Cubao, Quezon City.  Nakalahad ang sangla ng lupa sa isang kasulatan kung saan mareremata ang lupa kapag hindi nabayaran nina Tony at Tonet ang inutang nilang P1.5 milyon at ang tubo nito.

Kasunod nito, nangutang muli sina Tony at Tonet sa iba’t ibang petsa na umabot sa halagang P1,250,000.  Sa huling resibo ng dalawang sumunod na utang na nagkakahalaga ng P650,000, nakasaad na ito ay karagdagang utang laban sa TCT No. 43723;  saman­talang ang resibo ng iba pang karagdagang utang ay hindi nagtala ng nasabing anotasyon. 

Nang mabayaran lamang nina Tony at Tonet ang halagang P291,700, nagpasya sina Remy at Azon na maghain sa Regional Trial Court (RTC) ng foreclosure of mortgage.  Ayon sa kanilang petisyon, umabot na ang utang nina Tony at Tonet sa P6,967,241.14 kalakip ang 18% na tubo bukod pa ang pagtanggi ng mag-asawa na magbayad dahilan upang mapilitan silang iremata na ang nakasanglang lupa.  Samantala, inamin nina Tony at Tonte na sila ay may pagkakautang subalit iginiit nilang ang orihinal nilang utang ay P1.5 milyon lamang kung saan garantiya ng sangla nilang lupa.  Tama ba sina Tony at Tonet?

TAMA.  Bagaman maa­aring masaklaw ng isang real estate mortgage ang karagdagang mga utang, kinakailangan pa rin itong sapat na matukoy sa kon­trata ng sangla. Sa kasong ito, walang kasunduang naitala sa kontrata ng sangla na isinagawa nina Tony at Tonet.

Kahit na napagkasun­duan ng mga partido na ang mga karagdagang utang na umabot sa P650,000 ay garantiya ng nakasanglang lupa ayon sa resibo, hindi pa rin ito sapat upang masaklaw ng na­sabing sangla dahil hindi ito naayon sa hinihingi ng batas.  Upang magkaroon ng legal na pagsasangla, dapat na maipatupad ito sa isang publikong kasunduan bukod pa sa pagrehistro nito.  Sa katunayan, ang sangla ng isang lupa, naka­rehistro man o hindi, ay hindi maituturing na may bisa upang masaklaw ang isang sangla maliban na lamang kung ito ay pirmado ng nagsangla sa harap ng dalawang testigo at kinilala ng isang notaryo publiko (Section 127, Act 496).  Ang pri­badong kasulatan ng mga partido ng naisang­lang lupa sa pagitan ng mga partido ay hindi tumu­pad sa legal na rekisito.  Dapat sana ay magpatupad ng panibangong kasulatan o baguhin ang orihinal na kasulatan ayon sa hinihingi ng batas upang masaklaw ng sangla ang karagda­gang inutang nina Tony at Tonet.  Samakatuwid, ma­iba­balik lamang ang inu­tang sa pamamagitan ng paghahain nina  Remy at Azon ng ordinaryong ak­syon na collection of sums of money ( Cuyco vs. Cuyco, G.R.  No. 168736, April 19, 2006).

ISANG

SANGLA

SHY

TONET

TONY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with