^

PSN Opinyon

Magkaibigang trader  tinodas

-

Patuloy na namamayagpag ang mga iba’t ibang sin­dikato sa lansangan, maging sa probinsya kumakalat     ang kanilang mga malilikhaing modus.

Isang tip ang binigay sa BITAG hinggil sa mga magnanakaw na may kakaibang estilo. Sila yung tinawag na Chicklet gang.

Sa Kamaynilaan notoryus ang grupong ito sa pam­bibiktima lalo na sa mga masisikip at matataong lugar. Kadalasan sa mga pampasaherong bus at jeepney umaatake ang grupong Chicklet gang.

Nagmamatyag at naghihintay lamang ng oportunidad ang mga ito upang mambiktima sa kanilang mga area of operation,

Kung mamalasin nauuwi sa madugong krimen oras na manlaban ang kanilang target na biktima.

Kadalasang binibiktima ng grupong Chicklet gang ay mga kababaihan na nagtatrabaho sa opisina at may dalang bag. Sa mga kalalakihan ang wallet na nakalagay sa likuran ng pantalon ang kanilang target na nanakawin.

Ilang tip ang nakarating sa BITAG na maging sa mga kalapit na probinsya tulad ng Cavite namamayagpag ang grupong ito sa pagsapit ng gabi.

Nagbibigay ng babala ang kolum na ito sa sinoman lalo na sa mga bumibiyahe pauwi galing sa kanilang trabaho na maging alerto sa lahat ng oras at nang huwag maging biktima ng mga magnanakaw na ito sa lansangan.

Tatlo hanggang limang miyembro ang nasa likod ng kanilang pagnanakaw. Oras na maituro o mainguso ng isang miyembro ang kanilang prospect na bibiktimahin, papagitnaan ng dala­wang miyembro ang kanilang biktima at la­lagyan ng chicklet sa damit o ‘di naman kaya sa buhok nito.

At kapag napansin na ito ng pobreng bik­tima at sinubukan ni­yang tanggalin ang chicklet, poporma na ang isang miyembro upang makapagnakaw habang abala sa pag­tanggal ng chicklet ang pobreng biktima.

Subalit kapag wala nang chicklet silang mailagay, duduraan na lamang nila ang kani­lang biktima. Nina­ka­wan na nga, dinumihan pa at amoy laway pa.

Bukas ang BITAG  sa ano mang karag­dagang impormasyon sa sindikatong Chicklet gang. Inihahanda na ng BITAG ang aming pati­bong sa mga magna­nakaw na ito sa Ka­maynilaan at maging sa mga probinsya.

Sa tulong ng inyong sumbong na makilala ang nasa likod sa ka­nilang pagnanakaw, matutuldukan ang mali­ligayang araw ng mga kampon ni Satanas  sa lupa.

vuukle comment

CHICKLET

KANILANG

SA KAMAYNILAAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with