RPA-ABB expels leader of armed wing, 2 others

NAGLABAN sa pagka-mayor sina Nandy at Rita sa isang bayan sa katimugang Luzon.  Sa pagbibilang ng mga boto, napansin ng watcher ni Rita na ang mga boto pabor kay Nandy ay may pagkakaiba sa nakasulat sa numero at sa salita sa election return nito sa Precinct 22.  Nakasaad sa return na si Nandy ay nakakuha ng 66 na nakasulat sa numero samantalang 55 boto ang nakasulat sa salita. Nang makarating ito sa Municipal Board of Canvassers (MBC), kinilala ang bilang ng boto na 66 na nakasulat sa numero. Kaya, matapos ang bilangan, nakakuha si Nandy ng kabuuang 4,500 na boto saman­talang si Rita ay may 4,498 na boto.

Kahit na naghain ng petisyon si Rita upang masus­pinde ang proklamasyon, inisyu pa rin ng MBC ang certificate of canvass at proklamasyon ni Nandy bilang bagong halal na mayor.  Sa apela ni Rita sa Comelec, nag-isyu ang second division ng kautusan na mapa­walang-bisa ang proklamasyon ni Nandy at muling magtipon ang MBC at mabuksan ang ballot box ng Precinct 22 at maghanda ng bagong certificate of canvass. Tinutulan ito ni Nandy subalit nagtipon muli ang MBC at muling sinuri ang election return at napatunayan nitong walang kaduda-duda rito.  Muling naiproklama si Nandy.

Samantala, dinismis ng Comelec ang mosyon ni Nandy.  Ayon sa Comelec, ang proklamasyon ni Nandy ay napaaga kaya iniutos nito na muling magtipon ang MBC, ipatawag ang election inspectors, muling buksan ang ballot box at bilangin ang boto para kay Nandy at iwasto ang nakatala sa pagka-mayor kung kinakailangan.  Sumunod ang MBC at pagkatapos ay naiproklama nito ang nanalong kandidato. Kinuwestyun ito ni Nandy at iginiit na hindi na dapat muling binuksan at binilang pa ang mga balota pabor sa kanya sa Precinct 22 dahil wala namang nakitang kaduda-duda ang MBC.  Tama ba si Nandy?

MALI.  Malinaw sa Section 236 ng Omnibus Election Code na ang muling pagbilang ng boto ay kinakailangan upang alamin ang pagkakaiba sa pagitan ng bilang ng boto sa numero at sa salita. Ito ay isang mate­matikang pagbilang ng botong natanggap ng bawat kandidato at hindi upang bigyang halaga ang balota o kaya ay isaalang-alang ang bisa nito ayon sa isang elec­tion contest.  Ang kau­tu­san ay kinailangang ipatupad upang mawala ang pag-aalinlangan sa botong nabilang na sa nasabing presinto at maiwasan din  ang pag-angkin ng proklamasyon ng maling kandidato.  Pinakamahalaga pa rin na malaman ng mga botante na ang kani­lang kagustuhan sa pama­magitan ng ba­lota ay hindi naipagkait sa kanila.

(Plandriz Jr.  vs.  Comelec, G.R. No. 135084 Aug. 25, 1999).

Show comments