^

PSN Opinyon

Ong pwede sa SC - DOJ

-

HINDI si re-elected Pasay City Peewee Trinidad ang kasagu-tan para mabura ang taguri na Sin City itong siyudad n’ya. Halos siyam na taon ring nanungkulan bilang mayor si Trinidad, pero may nagawa ba siya laban sa kalaswaan tulad na lang sa Miss Universal na halos abot tanaw lang niya? Kaya sa pagkapanalo na  muli ni Trinidad, ang tiyak tuloy din ang li­gaya ng mga kalala­kihan sa Miss Universal ni William Sy, di ba   mga suki? Ang hindi alam ni Trinidad, ang Miss Universal ang su­muporta sa pama­ma­gitan ng pagkain sa kapulisan na ipinadala sa Pasay City noong kasagsagan ng suspen­sion proceedings laban sa kanya. Bunga sa suporta ni William Sy kaya natigbak siya sa puwesto. Sa pagbalik  ni Trinidad, babalikan din niya kaya ang Miss Universal ni William    Sy na mata­tagpuan lang sa kanto ng F.B. Harisson at Libertad? Sa totoo lang, aabot na sa 150 ang mga batam­batang ba­bae na nag­tatrabaho sa Miss Uni­versal ni Wil­liam Sy. Karamihan sa kanila ay menor-de-edad. May 10 kababa­ihan ang nagsasayaw ng hubo’t hubad sa entablado at bawa’t tatlong kanta ay may papalit sa kanila na ganun din ang bilang. Maliban ’yan mga suki sa live show sa VIP rooms. At hindi lang ’yan. Me bar fine din ang nightclub ni William Sy. Ang ibig kong sabi­hin mga suki, ang lahat ng kababuyan sa ka­babaihan natin ay  may­­roon ang Miss Uni­ver-sal at hindi ito naga- wan ng solusyon ni Sr. Supt. Marrito Valerio, ang hepe ng pulisya    ng Pasay City. Eh halos 50 metro lang ang layo ng police head­quar- ters sa Miss Universal   ni William Sy ah? Ta­lagang hina­ha­mon ni William Sy ang kaka­yahan ni Tri­nidad at Valerio ah, di  ba mga suki? At sino ang   unang susuko?

Kung seryoso si Tri­ nidad na manumbalik ang tiwala ng taga-Pasay sa kanya, ang una niyang gawin ay walisin ang taguri na Sin City ang siyudad niya. At magagawa lang n’ya yan kapag binura niya sa mapa  ng Pasay City ang  Miss Universal ni Wil­liam Sy. Kasi nga, hindi na sa police head­quarters namamalagi ang mga pulis ng Pa-say kundi sa Miss Universal na.

Ang Miss Universal ay nakatimbre sa lahat ng unit ng PNP. Alam kaya ’yan ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Calde­ron? Kaya kayo mga misis diyan, alam n’yo na ba kung bakit nawi­wili ang inyong mga asawa sa Miss Uni­versal?

Abangan!

vuukle comment

MISS

MISS UNI

MISS UNIVERSAL

SHY

WILLIAM SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with