^

PSN Opinyon

Bobby Pacquiao andam nang moharong ni Soto

- Ni Jeffrey C. Tiro -

NGAYON na tapos na ang botohan, simula na ng bantayan. Hindi lamang sa pagbibilang ng mga boto kundi sa pagsingil sa LAHAT ng mga pinangako ng mga kandidatong nanalo. Kaya dapat tandaan ang mga slogan nila, mga jingle nila, mga political advertisement sa telebisyon at radyo, mga sinasabi nila habang nakipag­kamay sa inyo. Tulad ng binanggit ko na sa mga nakara­ang isyu, kadalasan nalilimutan ka na, mga pangako nila, kapag nanalo na.

Mabuti nga siguro maglagay ng mga billboard sa mga lansangan, siyudad, distrito ng mga nanalong kandidato, na nakalista ang lahat ng pangako sa ilalim ng mga pangalan nila. Kapag may natupad, lagyan ng “check”. Sa katapusan ng kanyang termino, kailangan lang tingnan ang mga billboard kung anu-ano ang natupad, at alin ang hindi. Pag naghalalan muli at tumakbo ulit yung kandidato, alam n’yo na kung paano kayo boboto. Karamihan naman sa mga ‘yan, magpapayaman lang at magpapasarap sa buhay. Sa totoo lang no, hindi naman serbisyo sa mamamayan ang pangunahing layunin ng pulitiko kundi siya ang silbihan!

Nalungkot ako sa mga pangyayaring naganap nung botohan. Mga news reports na pumapasok na nagmula sa buong Pilipinas tungkol sa mga kaganapan sa mga voting centers, iisa lang ang ulat — magulo. Kasama na rito ang mga kulang na gamit, huling pagsisimula ng botohan, mga election violations. Mga kababalaghan tulad ng brownout, nawawalang mga pangalan, mga duma­daming pangalan! Hindi pa rin ba maayos ng COMELEC ang lahat ng mga problemang ito e ilang beses na rin tayo nagka-eleksyon?! O sadya bang nagka­karoon ng gulo para maisagawa ang lahat na nang klaseng pandaraya?

Kaya ito na ang pana­hon para banta­yan ang pagbi­bilang. Mga organi­sasyon tulad ng NAM­FREL, PPCRV, at kung anu-ano pang election watchdogs ay kaila­ngan nang umak­syon para ma­iwasan at mapigilan ang dayaan. Kasama na rin dito ang media at civic action groups. Maganda sana kung katulad tayo ng ibang bansa na araw pa lang ay alam na kung sino ang mga nanalo. Kung min­san oras nga lang kapag “landslide” ang pagka­ka-panalo. Pero muk­­hang manga­ nga­rap na lang tayo habam­buhay. Habang may bumibili ng boto at may nagbe­benta nito ay hindi mababago ang pag­sa­sagawa ng elek­­syon sa Pilipinas. Gaano na­man kaya ka­tagal nga­yon bago luma­bas ang mga resulta? Ngayon ay tila nasa isang tele­nobela na tayo. Kaya abangan ang susunod na mga kabanata!

GAANO

HABANG

KASAMA

KAYA

LANG

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with