^

PSN Opinyon

TU 12-0 sa ARMM!

-

SA tingin ko, nang tumakbo sa pagka-Kongresista ng unang distrito ng Bukidnon si Virgilio Garcillano – hindi niya intensyong manalo. Batid na niya sa simula pa lang na siya’y matatalo dahil sa pagdududa sa kanyang reputasyon ng sambayanan. Ang gusto talaga ni Gar­cillano ay linisin ang kanyang narumihang pangalan.

Malaking dagok sa kanya ang kontrobersyal na “Hello Garci” scandal  na kumaladkad sa kanyang pangalan sa sinasabing pandaraya ni Presidente Gloria Arroyo laban sa kanyang katunggaling si Fernando Poe, Jr. nung nakaraang presidential elections. Komisyuner pa ng COMELEC si Garci noon. Naging tampulan ng paglibak ang kanyang pangalan. Ang pangalang Garci ay naging katumbas ng mandaraya o manloloko.

Masyado kasing convincing ang boses ng dalawang nag-uusap sa telepono. Kaboses na kaboses ni GMA ang babae at kaboses na kaboses ni Garcillano ang lalaki. Ang pinag-usapan ay pandaraya sa eleksyon. Bagamat hindi direktang umamin na tinig niya ang nasa bugged telephone conversation, nag-sorry naman on public television ang Pangulo. Sa kabila ng paggisa sa kanya ng Kongreso – wala ring napigang pag-amin kay Garcillano. Pero ang masaklap, kumbinsido ang taum­bayan sa ebidensyang pinaniniwalaan nilang matibay at hindi mapapabulaanan.

Ang pagkandidato ni Garci at ang kanyang pagtanggap ng pag­katalo ay upang isigaw ang malakas na men­sahe sa mundo: Na hin­di siya ma­runong man­daya. Hindi pa man nag­sisimula ang can­vass­ing, nag-con­cede na siya sa kanyang ka­labang si Malou Acosta. Pero nagpa­ha­yag pa rin siya ng hina­nakit. Kaya raw siya natalo ay dahil biktima siya ng black propa­ganda. Ang tanong: Makumbinsi na kaya ang taumbayan na hindi man­daraya si Gar­cillano. Kung mang­yayari ito, hindi lamang pangalan niya ang mali­linis kundi pati pa­ngalan ng ating Pa­ngulo. Sa tingin ko’y malabong mangyari ito.

Sa pangunguna sa bilangan ng mga kandi­dato sa pagka-senador ng oposisyon,  dinig na dinig ang mensahe ng nakara­rami. Mensa­heng nagpa­pa­hayag ng galit sa Pa­ngulo. Sa­na’y ma­pawi na ang galit na ito upang mag­­simulang umahon ang bansa. Ngunit kung ang naka­ ra­rami sa mga malu­luklok sa Senado ay pa­wang oposisyu­nista, para ko nang naki­kinita na ang aatu­pa­ging muli ay ang pagpapatalsik sa Pa­ngulo sa pamamagi­­­tan ng im­peachment. Suma total – paralisado ang galaw ng pama­halaan at ang mapi­pinsala ay taumbayan.

FERNANDO POE

GARCI

GARCILLANO

HELLO GARCI

KANYANG

MALOU ACOSTA

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with