^

PSN Opinyon

‘Mga guro sa harap ng panganib’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
SA DARATING NA ELEKSYON MGA GURO NA NAMAN ANG MAAATASAN na magbantay ng mga presinto. Ang pagkaka-iba ng eleksyon na ito ngayon ay mas maraming patayan, nagkalat ang mga baril at para bang hindi kayang kontrolin ng COMELEC, ng Philippine National Police at ng ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES. Nakakatakot para sa isang guro na may pamilya dahil nakataya ang kanilang buhay dahil sa mga ganid sa pwesto bilang local officials na handang gawin ang lahat manalo lamang.

Magkano lamang ang kanilang tinatanggap kapalit naman ang panganib na kanilang haharapin.

Nakausap ko si Senatoriable Team Unity Tessie Aquino-Oreta at nangako siya na isusulong niya na taasan ang mga benepisyong matatanggap ng mga tister na maiuupo sa darating na May 14 Election.

"Ang mga titser na ito ay malaking papel ang kanilang gagampanan sa tuwing halalan. Sila ay matatawag din mga bayani subalit nanatiling mababa ang nakukuha nila benepisyo sa tuwing halalan at hindi pa napoprotektahan," ayon kay Oreta.

Sinabi din ni Tessie na sa susunod na kongreso, isusulong niya na taasan ang allowance ng mga titser mula sa dating P1,000 kada araw ay itataas ito sa P2,000 sa bawat araw ng kanilang pagseserbisyo tuwing halalan.

Bukod pa dito, kinakailangan ding magbigay ng P200,000 halaga ng insurance coverage ang libreng legal assistance sa tuwing araw ng halalan.

"Kailangang bigyan ng legal assistance at accident insurance sa mga titser na nagtatrabaho tuwing halalan," sabi ni Tessie.

Nitong taong ito, tinatayang 400,000 ang gagamiting mga titser ng Commission on Election o COMELEC upang pangasiwaan ang mahigit-kumulang na 310,000 na presinto sa buong bansa kung nasa 45 million ang mga botante ang boboto para sa national at local elections posts.

Sinabi pa ni Tessie na dapat na gawaran ng ating gobyerno ang ipinapamalas na sipag at pagtitiis ng ating mga titser lalo na sa araw ng halalan.

Ang pinaka-importante dito, ang allowance na dapat na makuha ng mga titser ay maibigay bago pa lamang sumapit ang araw ng halalan nang sa gayon ay hindi sila madaya o maloko.

Noong mga nakaraang, naiulat na marami sa ating mga titser ang nagrereklamo dahil sa pagkaka-delay ng kanilang bayad para kanilang election allowances.

Sana naman hindi lamang madadagdagan ang kanilang allowances sa ginagawa nila para sa bayan at para sa kinabukasan ng ating mga pamilya at hindi nadelay ang bayad sa kanilang serbisyo.

UPDATE SA KASONG INILAPIT SA AMIN:

Para naman sa ikalawang bahagi ng artikulong ito, nais kong magbigay ng update tungkol sa kasong inilapit sa aming tanggapan ni Jovita Verallo ng Parañaque City.

Ika-28 ng Oktubre 2006 ng tanghali, araw ng Sabado nang makipag-inuman ang biktimang si Allan Verallo dahil kaarawan ng bayaw nitong si Jaime kaya naman pasado alas-7 ng gabi nang makatulog ito. Habang natutulog ang biktima, dinukwang ito at walang awang binaril ng mga suspek na si Marlon Carandang at Bobby Baliber na positibong kinilala ng saksi sa pangyayaring ito.

Ayon kay Jovita, paghihiganti ang ugat ng pagkakapaslang sa kanyang asawa na si Allan. Ang pinsan ni Marlon na si Royston Carandang na anak ng pulis na si SPO1 Isagani Carandang ay napatay at sinasabing ang grupo ng kapatid ni Allan na si Diego Verallo ang responsable sa pagkamatay nito.

Agad namang dinakip at nakulong si Diego subalit ayon kay Jovita na sila ay pinagbabantaan ng mga Carandang dahil sa nangyari kay Royston. Nakatanggap din ng balita ang kapatid ni Allan at pinag-iingat siya sapagkat ang balita sa kanila ay may itutumba sa mga Verallo. Hindi naman nila pinagtuunan ng pansin ang bagay na ito dahil wala naman siyang atraso sa kahit na sinuman sa kanilang lugar hanggang sa dumating ang araw ng pagkakabaril kay Allan.

Nagsampa ng kasong Murder ang pamilya ng biktima laban sa mga suspek. Nangangamba ang suspek dahil sinasabi nilang malalakas ang kanilang mga kalaban sa kanilang lugar kaya naman lumapit sa amin ang pamilya ng biktima.

Nagkaroon ng preliminary investigation at nagbigay ng kanyang kontra-salaysay si Marlon Carandang. Mariin nitong tinanggi ang akusasyon laban sa kanya dahil sinasabi nitong imposibleng may kinalaman siya sa nasabing patayan sapagkat kasama pa nito ang kanyang kaibigan sa isang inuman.

Nais ng pamilya na mapabilis ang paglabas ng resolution. Makalipas ang ilang buwang paghihintay, lumabas na ito at labis namang ikinatuwa ng pamilya Verallo nang lumabas sa resolution na may probable cause upang sampahan ng kasong Murder ang mga suspek. Hangad ni Jovita at ng kanyang mga kaanak na mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Allan. Umaasa silang mananagot ang dapat managot sa kasong ito.

Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anumang krimen o legal problems maaari kayong tumawag sa 6387285 o ’di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig.

DAHIL

JOVITA

KANILANG

MARLON CARANDANG

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with