Upang matustusan ang konkretong tambak na kakailanganin sa konstruksyon, kinontrata naman ng SMCC ang TPI, isang lokal na gumagawa ng pre-cast na konkretong produkto. Naihatid naman ng TPI ang 142 pirasong mga bakal sa SMCC na nagkakahalaga ng P4.2 milyon na mababayaran nang hulugan. Nang matapos ng SMCC ang paggawa, ipinadala nito ang seventh progress billing sa JLID at agad itong binayaran ng JLID. Sa kabilang banda, hindi lubos na binayaran ng SMCC ang TPI at hindi rin nito pinansin ang ilang ulit na demanda ng TPI na umabot na sa P1.4 milyon. Kaya, parehong inihabla ng TPI ang SMCC at ang JLID upang bayaran ng mga ito ang balanse.
Bilang depensa sa reklamo, iginiit ng JLID na walang dahilan ang reklamo ng TPI laban dito at wala itong pananagutan na bayaran ang balanse. Nabayaran na rin daw nito ang seventh progress billing at nakumpleto na rin daw nito ang presyo ng kontrata ng SMCC. Matapos ang paglilitis, dinismis ng Regional Trial Court (RTC) ang reklamo ng TPI. Ayon sa RTC, base raw sa article 1729 ng Civil Code, limitado lamang ang maaaring makuha ng TPI laban sa may-ari ng gusali sa itinustos nitong materyales sa kontraktor nito sa halaga lamang ng balanse ng JLID sa SMCC sa oras ng demanda. At dahil ang materyales na naitustos ng TPI at ginamit sa gusali ng JLID ay nabayaran na ng JLID sa SMCC, walang dahilan ang reklamo ng TPI laban sa JLID. Tama ba ang RTC?
MALI. Hindi limitado ng article 1729 ang inirereklamong halaga ng materyales ng TPI laban sa JLID. Ang probisyong ito ay nagpapa- taw ng pananagutan sa may-ari ng gusali (JLID) pabor sa tumustos ng materyales (TPI) na kinon- trata ng SMCC hanggang sa halaga ng balanse ng JLID sa SMCC sa oras ng demanda, extrajudicial o hudisyal man.
Samakatuwid, solidar yo ang obligasyon ng JLID at ng SMCC, kapag parehong inireklamo. Protektado ng probisyong ito ang nagtustos ng materyales at manggagawa nito laban sa walang konsensyang kontraktor pati na rin sa posibleng pakikipagsabwatan nito sa may-ari ng gusali.
Napatunayan din na hindi pa kumpletong nabayaran ng JLID ang SMCC dahil wala itong naipakitang resibo o katibayan ng nagugol o tseke ng seventh progress billing. At kahit na nabayaran ng JLID ang SMCC sa presyo ng kontrata, hindi ito sapat upang mawalan ito ng pananagutan sa TPI dahil na rin sa proteksyong ibinibigay ng Article 1729 laban sa posibleng sabwatan ng JLID at ng SMCC (JL Investment and Development Inc. vs. Tendon Phili. Inc. et.al. G.R. 148596 January 22, 2007).