^

PSN Opinyon

Boy Tangkad, paiimbestigahan ni Calderon

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAGBIGAY ng warning si PNP bossing Oscar Calderon matapos siyang marinig ng mga kuwago ng ORA MISMO sa Baguio City, regarding sa isyu ng talamak na jueteng na happening ngayon habang papalapit ang eleksyon sa May 14, dahil lumulutang ang pangalan ng isang Boy Tangkad, ang over-all collector sa jueteng lords at tagasalsal este mali suhol pala sa kaparakan.

Ika nga, nasasama at nagagamit ang name ni PNP Chief.

Naku ha? Bakit bago ba ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dehins daw si Boy Tangkad ang over-all collector at bagman ng mga jueteng lords sa mga officials ng rakpadudels dahil kumalma raw ito porke alaws tiwala sa una ang mga bagong kurap este mali upo pala sa katulisan.

Ibinigay ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga kolektor sa jueteng ngayon bagman daw ang isang sinasabing Nieves, isang sinasabing Baltazar, hindi ito kasama sa tatlong Hari, isang sinasabing Noriega, isang sinasabing Urdona, pero dehins siya taga- Cardona, isang sinasabing Cruz, isang sinasabing Tuazon, isang sinasabing Ichban at isang sinasabing labis este mali Calabis pala.

Ang mga ito ang itinuturong bagong komisyuner daw sa Office of the Chief PNP, CIDG at sa isang sinasabing Lapinid?

Naku ha?

Totoo kaya ito?

Kung kayo man ang gumagasgas sa pangalan ng mga official sa PNP aba magbalot-balot na kayo.

Tiyak may paglalagyan kayo kung totoo rin ang sinasabi ni Calderon regarding sa talamak na jueteng operasyon ngayon eleksyon.

"Dehins na siguro matitigil ang jueteng kahit na ano pa ang mangyari?" anang kuwagong haliparot sa Caloocan.

"Bakit naman?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Walang political will ang mga tekamots kaya ganoon."

"Paano ngayon kamote pabayaan na lang natin?"

"Di nga ba pinababayaan na basta may pitsang kapalit?"

"Kamote, tumpak ka!"

BAGUIO CITY

BAKIT

BOY TANGKAD

ISANG

NAKU

OFFICE OF THE CHIEF

OSCAR CALDERON

SINASABING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with