Mag-ingat sa bogus na Tulfo!
April 18, 2007 | 12:00am
Para sa kaalaman ng lahat, walang staff ang BITAG sa telebisyon, radyo at diyaryo na nagngangalang Erick o Erickson dela Rosa.
Wala akong kaanak o kadugo na empleyado ng BST Tri-media Production, producer ng BITAG na nagdadala ng apelyido ko bilang isang Tulfo.
Nakaabot sa aking kaalaman base na rin sa mga tawag ng mga dati naming staff sa BITAG, partikular yung mga matitinong staff na "honorably discharged", nagpapakilala daw itong "putok sa buhong" Erick o Erickson dela Rosa alyas Erick o Erickson Tulfo, na siya daw ay isang ng BITAG staff o BITAG undercover.
Nagbibigay babala ang kolum na ito at humihingi ng tulong niyo. Maaring may mga nabiktima ng katarantaduhan, panlilinlang o anumang uring modus ang bogus na Tulfo na ito.
Narito ang mga numero ng aming mga telepono, 9325310 o 9328919 o cell phone hotline 09189346417 para sa inyong mga sumbong.
masakit para sa isang ama ang malaman na ang kanyang anak ay sangkot sa isang malaking kahiyaan.
Nararamdaman ko ang sakit na natatamasa ngayon ng kuya ko na si Ramon Tulfo dahil sa kasong extortion laban sa kanyang anak na si Patrick Tulfo.
Nasa kolum ni Mon Tulfo kahapon sa Inquirer, pinagkakaubaya niya na raw sa husgado ang kasong extor tion laban kay Patrick ng isang negosyanteng dayuhan.
Bilang tiyuhin nitong si Patrick Tulfo, kung totoo ang kasong extortion laban sa kanya na napabalita sa TV Patrol nitong nakaraang Biyernes, dapat lang matamasa nitong si Patrick ang nararapat na kaparusahan.
Kinakailangan tuluyan ng nagrereklamong biktima na sampahan ng kaso itong si Patrick Tulfo na empleyado ng RJTV sa kanyang programang "Rapido ni Tulfo". Dapat mabigyan ng leksyon itong si Patrick.
Tulad ng mga naipalabas naming mga entrapment operations sa BITAG laban sa mga mangongotong kung saan kasama naming ang mga alagad ng batas, hindi puwedeng exempted si Patrick dito.
Kinakailangan mag-imbestiga ang pamunuan ng RJTV sa kasong ito. Hindi puwedeng manahimik ang RJTV na parang walang nangyari.
Masakit man para sa akin, pero kung talagang nagkasala at totoo ang akusas- yon kay Patrick, kung ano ang trato ko dun sa mga kolokoy at mga sangganong nabitag namin, ganun din ang trato ko sa pamangkin ko!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest