Bannuar ti Ilokandia
April 13, 2007 | 12:00am
DUCAT-HOSTAGE Drama. Chopper Crash. Aneurysm surgery. Mga kapana-panabik na pangyayari. Subalit sa kontrobersyal na buhay ng isang Luis Crisologo Singson o "Chavit", normal lang ang ganyang excitement.
Buong buhay yata ni Chavit ay kontrobersyal. Mula nang una itong nakilala ng bansa -– nilabanan sa pulitika ang dati niyang boss na si Rep. Floro Crisologo (na napatay sa loob ng Vigan Cathedral noong 1970), sunud-sunod ang kontrobersya sa kanyang buhay. Beterano siya ng anim na ambush, kasama ang muntikang pang-ambush daw sa kanya sa Malate, Manila noong 2000 na nag-udyok sa kanyang lumutang laban kay ERAP.
Maging ang pribadong buhay ni Chavit ay puno ng kulay. Sa kanyang tahanan sa Ilocos Sur na tinawag niyang Baluarte – may sarili siyang zoo na may tigre at iba pang "exotic" animals. Nali-link din si Chavit sa maraming magagandang personalidad. Isinapelikula na nga ang kanyang istorya. No. 1 din sa boxing ring tuwing matapos ang laban ni Manny Pacquiao (na pinayuhan niyang huwag nang mag-ilusyong tumakbo). At magaling sa mahjong! Nag-aral pa raw ng embalming!?
Boses ng probinsiya –- isa siya sa dalawang gobernador na kandidatong senador. Matagal nang puwersa sa usaping local autonomy. Nag-umpisang konsehal noong 1961. Naging Chief of Police. Plataporma: siyempre, local autonomy at kapakanan ng magsasaka. Graduate ng Letran Commerce. Special reason for running: Para makasama si Sen. Jinggoy sa Senado. Kilala rin bilang may akda ng tobacco tax na nagbigay bilyong piso sa mga probinsiya ng Ilocos region. Sa mga Ilokano, si Chavit ang "Bannuar ti Ilokandia".
Sa ganitong high-profile na buhay, aasahan mong lulutang nang husto si Chavit sa mga botante. Subalit hindi pa rin ito makapuwesto sa actual voter preference. Hanggang sa ngayon ay pang 25 pa rin sa survey. Pero kung tatanungin n’yo siya ay hindi nawawalan ng pag-asa.
Si Chavit ay kila lang sugarol. Hindi iba sa kanya ang mala-gay sa dehado. Suwertehan din iyan. Di ba nga nagbabago na suwerte niya? Nailig-tas sa surgery at sa helicopter crash, "nanligtas" pa ng hostage kay Ducat?
CHAVIT SINGSON:
Kwalipikasyon: 80/
Plataporma: 80
Rekord: 80
Total: 80

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest