^

PSN Opinyon

Outlaw Communism? Huwag, say ni Recto

- Al G. Pedroche -
USAP-usapan na naman ang pagdedeklarang illegal ng komunismo. Parang parusang bitay. Dati binura, tapos binuhay at binura muli. Ano ba ang gusto natin ha? Para kay TU senatorial bet Ralph Recto, hindi dapat gawing illegal ang komunismo.

Noong araw, lalo na nung panahon ni Marcos, illegal ang komunismo kaya nga ikinalaboso ang lahat ng mga leader nito gaya ni Jose Ma. Sison. Kasi isinusulong ng ideyolohiyang ito ang paghahasik ng karahasan. Nang mapatalsik si Marcos at maupo si Cory Aquino, pinalaya ng bagong rehimen ang mga top commuinist leaders gaya ni Sison at Jalandoni. Nang maupo si Fidel Ramos, ganap na ginawang legal ang komunismo para bigyang pagkakataon ang mga adherents ng komunismo na makilahok sa mga political exercises. Imbes na armed struggle, binigyan sila ng tsansang lumahok sa halalan bilang lehitimong partido. In a way, nagtagumpay ang layuning ito ng gobyerno. Mayron nang partylist system sa ating Kongreso at dito’y may kinatawan na ang mga marginalized sector ng lipunan pati na ang mga pinaniniwalaang tagasunod ng komunismo.

Akala ng pamahalaan, ititigil ng mga komunista ang marahas na pakikibaka laban sa gobyerno pero hindi. Atrocities continued sa pangunguna ng armadong hukbo ng Communist Party of the Philippines na New People’s Army.

Sang-ayon ako kay Recto. Bilang isang ideyolohiya, hindi dapat gawing illegal ang komunismo. Ang dapat ituring na illegal at patawan ng karampatang parusa ay ang paghahasik ng ligalig ng mga komunista. Hangga’t gumagamit ng sandata ang mga komunista laban sa gobyerno, dapat lang magtanggol sa sarili ang pamahalaan.

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

CORY AQUINO

FIDEL RAMOS

JOSE MA

KOMUNISMO

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with