No. 1

CONGRATULATIONS sa ating mga bagong abogado! 30.6% ang passing rate nitong huling bar exams (1,893 ang pumasa sa 6,187 na nag-eksamen). Sariwang mga kawani ng law firm, ng legal department ng mga korporasyon at sana, ng hudikatura at ng mga tanggapan ng gobyerno na naghahatid ng serbisyong legal sa bayan.

Noel Malimban ng University of Cordilleras ang lumabas na No. 1 sa Bar Exam. Ang pagiging No. 1 sa anumang Licensure Exam ay napakalaking bagay. Lalo na kung Bar Exam. Sadyang mas may timbang sa lipunan ang Bar topnotcher dahil: (1) dalawang degree ang kailangan bago makakuha ng exam; at (2) sa malaking papel na ginagampanan ng mga abogado sa pamahalaan.

Marami sa mga nagkaroon ng mataas na puwesto sa pamahalaan ang nag No. 1 sa Bar. Sa ating mga pangulong abogado, si Marcos, Macapagal at Roxas. Sa Senado, kung saan mas mapapakinabangan ang pagiging abogado, sina Roxas, Sumulong, San Andres-Ziga, Pelaez, Macapagal, Marcos, Diokno at Salonga.

Matagal nang hindi nasundan si Salonga sa Senado ng iba pang No. 1. Kung susuwertehin, itong 2007 ay muli tayong makakakita ng Bar Topnotcher sa Senado. Ito ay si Aquilino "Koko" Pimentel III, No. 1 ng 1990 Bar Exams (kung natuloy ang kandidatura ni Cong. Gilberto C. Teodoro, Jr., Topnotcher ng 1989 Bar ay sana nagkasabay sila, parang Diokno and Salonga).

Si Koko ay graduate ng U.P. Law, propesor sa FEU at Adamson Law Schools, naging Commissioner ng National Youth Commission for Mindanao at Sec-Gen ng PDP-Laban. Plataporma niya ang Rule of Law, Science Education at Local Autonomy.

KOKO PIMENTEL: Kwalipikasyon: 86

Plataporma: 90 / Rekord: 85 Total: 87

LAW FOR THE PUBLIC INTEREST. Dumadami ang nag-aaply sa College of Law ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Ang PLM-CL ay kilala sa taguring "the People’s Law School" dahil ang budget nito ay sagot ng pamahalaan (ng Lungsod ng Maynila) at dahil sa adhikaing paglingkod bayan. Kapag pasok ka sa kwalipikasyon, maari ka pang mag-aral bilang iskolar! Ang PLM College of Law ay nasa PLM campus sa Intramuros, Gen. Luna corner Muralla. Tel. Nos. 5279074 at 5277941-48, local 30.

Show comments