^

PSN Opinyon

Chicklet Gang, nasa surveillance list ng BITAG

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
PATULOY na namamayagpag ang mga sindikato sa lansangan. Ilan sa kanila ay ilang ulit nang nahulog sa aming BITAG.

Pero dahil sa protektado ng mga tiwaling pulis ang mga sindikatong ito sa kanilang lugar, patuloy ang kanilang kalokohan.

Hindi kami tumitigil sa pagmamasid sa mga sindikatong ito na kadalasan nauuwi sa madugong krimen na ikinasasawi ng mga pobreng biktima nila.

Isang tip ang binigay sa BITAG hinggil sa mga magnanakaw na may kakaibang estilo. Tinawag silang Chicklet Gang, lumalaban ng sabayan oras na pumalag ang kanilang biktima ang siyang nasa surveillance list ngayon ng BITAG.

Sa mga lugar na matatao, masisikip at maging sa loob ng sasakyang jeepney ang kanilang area of ope ration. Nagmamatyag at naghihintay lamang ng oportunidad na makapambiktima,

Tatlo hanggang limang miyembro ang nasa likod ng kanilang pagnanakaw. Oras na maituro o mainguso ng isang miyembro ang kanilang prospect na bibiktimahin, papagitnaan ng dalawang miyembro ang kanilang biktima at lalagyan ng chicklet sa damit o ‘di naman kaya sa buhok nito.

At kapag napansin na ito ng pobreng biktima at sinubukan niyang tanggalin ang chicklet, poporma na ang isang miyembro upang pagnakawan habang abala sa pagtanggal ng chicklet.

Kadalasang binibiktima ng grupong Chicklet Gang ay mga kababaihan na nagtatrabaho sa opisina at may dalang bag. Sa mga kalalakihan ang wallet na nakalagay sa likuran ng pantalon ang kanilang target na nanakawin.

Subalit may mas kadiri pa silang estilo, kapag wala nang chicklet silang mailagay, minsan ang maruming laway nila ang mismong kanilang ginagawang panlinlang.

Duduraan na lamang nila ang kanilang biktima. Ninakawan na, marumi pa, amoy laway pa at oras na pumalag, kawawa ang biktima.

Bukas ang BITAG sa ano mang karagdagang impormasyon sa Chicklet Gang. Inihahanda na ng BITAG ang aming patibong sa mga magnanakaw na ito sa Kamaynilaan at maging sa mga probinsya.

Sa tulong ng inyong sumbong na makilala ang nasa likod sa kanilang pagnanakaw, matutuldukan ang maliligayang araw ng mga kampon ni Satanas sa lupa.

BIKTIMA

BUKAS

CHICKLET

CHICKLET GANG

DUDURAAN

ILAN

KANILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with