Dinukot na sanggol, sinagip ng BITAG sa Bago City
April 4, 2007 | 12:00am
HINDI na bago sa BITAG ang mga kasong pagdukot ng mga ama sa sarili nilang anak. Dalawang linggo na ang nakararaan nang nailathala ng BITAG ang isinagawang rescue operation sa isang sanggol matapos itong dukutin ng sariling ama.
Malinaw ang pang-aagrabyado ng mga barumbadong ama sa mga inang naghirap na magdalang tao sa loob ng siyam na buwan.
Nakababahala ang mga ganitong uring kasong ito. Lalo na ang ilan sa mga kasong ito ay hindi naitatala sa mga blotter ng pulisya.
At nu’ng nakaraang linggo lamang isa na namang rescue operation ang isinagawa ng BITAG kasama ang grupo ng Mission X.
Sabi ni Nanilou Dalisay isang OFW, dinukot umano sa kanya ang kanyang siyam na buwang sanggol ng kanyang dating ka live-in partner na si Arnold Delina.
Paalam daw sa kanya ni Delina na ilalabas lamang ang sanggol na anak na babae ni Nanilou, pero ang hindi niya alam tinangay na ito patungong Bacolod.
Dahil dito agad kumilos pronto ang grupo ng BITAG at Mission X at tinungo ang Bacolod City. Nakipag-ugnayan ang BITAG Strike Force at Mission X sa Intelligence Branch ng Negros Occidental Police Station sa pamumuno ni Sr. Insp. Argel Ancheta.
Pero napag-alaman ng grupo na itinakas ni Delina ang sanggol patungong Bago City muli kaming nakipag-ugnayan sa mga operatiba ng Women’s and Children’s Concern Division (WCCD) ng Bago City Police Station.
Pagdating sa target area, ilang minuto lamang ang aming hinintay, dala na ni Delina ang anak ni Nanilou.
Mukhang alam na ng kolokoy na si Delina na nakapalibot na sa kanya ang mga pulis kaya naman siya na mismo ang nakipag-usap at napilitan siyang sumama sa mga operatiba kasama ang sanggol na anak ni Nanilou.
Hindi maipagkakaila sino man ang makakita sa sanggol ay hindi matitiis angkinin ito dahil sa magan da at maamong mukha nito dahil sa may lahing Amerikano.
Sa tanggapan ng Negros Police–WCCD hindi nakakuha pang humirit ni Delina at pinangaralan siya ng pulis ng WCCD. Dito napilitan siyang isauli ang anak ni Nanilou.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
1 day ago
Recommended