^

PSN Opinyon

Ugaling tiwali itinuturo sa bata

SAPOL - Jarius Bondoc -
KASUSULAT ko sa Philippine STAR at Pilipino Star NGAYON tungkol sa mga sakit ng ating lipunan, sunud-sunod na liham ang natanggap ko. Una ay mula sa magulang sa public school na nakapansing ipinakikita natin sa kabataan ang katiwalian na parang natural lang ito. Hinalimbawa niya ang paghingi sa kanya ng tig-P100 "padulas" para ma-release ang report cards ng dalawang anak. At pagkatapos ay binentahan pa siya ni Teacher ng libro — tulong kuno sa eskuwelahan — para tumaas ang grado ng isang bata. Dahil dito, aniya, naiisip ng kabataan na lahat pala ay mababayaran; kaya, mas mayaman mas mabuti, miski sa maruming paraan.

Sumulat ang isang teacher para patotohanan ang pagbebenta ng libro. Hindi lang ‘yon, aniya, tuwing makalawang buwan nagbebenta rin ang teachers ng raffle tickets. Nagmamaktol kuno sila sa pamumuwersa ni Principal na kung hindi magbenta ay papaabonohan sa kanila ang tickets. Pero kung tutuusin kasabwat, aniya, ang teachers dahil may komisyon sila sa benta. Dagdag pa niya na sumisipsip rin ang teachers miski mali ang principal dahil ito ang taga-approve ng lahat ng kilos nila, lalo na ang pagkakataong makapag-aral pa para ma-promote.

Binunyag ng isa pang teacher ang mas malalang pagpapakita natin ng corruption sa public schools. Tuwing magtatapos ang school year, pinag-a-achievement test ang students. Hindi lang ito panukat ng kanilang natutunan kundi ng galing din ng eskuwelahan. Bahagi ito ng pag-rate kung mahusay ang principal at teachers. Kaya inuutusan ng principal ang teachers na ituro sa mga bata ang sagot sa exam. Sa isang public school pa nga, aniya, sinanay pa ang mga bata sa pagkopya mula sa isa’t-isa.

Ibinalik naman ng isang retiradong principal sa mga magulang ang sisi. Nanunuhol daw ang mga ito o kaya’y gumagamit ng impluwensiya para mapataas ang grado ng anak. Pati sa pagpili ng school project na gagawin, mas mahalaga ay ‘yung may personal na ganansiya si Teacher.

Kahit kanino ibintang, iisa ang sala: Bata pa sila, tinuturuan na natin na maging corrupt. Kaya pala tayo pinaka-malala sa Asya.

ASYA

BAHAGI

BATA

BINUNYAG

DAGDAG

KAYA

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with