^

PSN Opinyon

Satur for all seasons

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
KA SATUR. Hindi pa man nagaganap ang aresto at puwersahang paglipat kay Cong. Satur Ocampo kamakailan ay lumabas na ang latest survey ng party list groups. Siyempre, BAYAN MUNA ang nanguna, kasunod ang Anakpawis, Gabriela, Akbayan at An Waray. Ang mga grupong ito ang laman ng pahayagan at TV tuwing may usaping gumagambala sa bayan. Bagamat may kanya kanyang sector na kinakatawan sa Kongreso, sinisigurado ng mga ito na ginagampanan nila ang kanilang obligasyon bilang mambabatas upang ipaglaban ang kabutihan ng lahat. Kaya labis na nakababahala ang pilit na pambubusal sa mga representanteng ito sa pamamagitan ng paghahabla at pag-aaresto sa kanila tuwing sila ay magsasalita ukol sa kabulukan ng gobyerno. Ang pag-aresto kay Ka Satur (sa pangunguna na naman ng mga walang mando sa taong mga Kalihim na hindi kumpirmado: Gonzales, Gonzales, Puno, Devanadera) ay tunay na paglalapastangan sa ating demokrasya.

ASAWA NI VILMA. Balot sa kontrobersya ang una niyang pagsabak sa senatorial wars noong 2001. Bago mangyari ang ERAP impeachment, kabilang siya sa mga nanunuyo (kasama ni Francis Pangilinan) na mapabilang sa ERAP senatorial slate. Nang pumutok na ang impeachment, isa rin siya sa naunang tumalon sa bagong administration ni GMA at nakasama sa People Power Coalition.

Naging usap-usapan noon ang "dagdag-bawas" sa Mindanao pabor sa kanya at laban kay Gringo Honasan ng Puwersa ng Masa. Mayroon ngang pinatanggal sa kanyang mga boto nang mapatunayan ng Comelec na illegal ang pag-dagdag ng mga ito. Hindi rin napigilan ang proklamasyon niya bilang No. 12 senator.

Ngunit sa kanyang six years sa Senado, nakilahok si Recto, hindi lang sa mga mahalagang panukala (siya nga ang tampulan ng sisi sa pampabigat na epekto ng R-EVAT), pati na rin sa pagbatikos sa Proclamation 1017 ni GMA.

Si Recto ay may dalawang masters degree: sa public administration sa UP Diliman at Economics mula sa UA&P. Naging 3 term congressman ng Batangas 4th District. Plataporma? Economy at countryside development. Apo ni Claro Mayo Recto. Sa kabila ng kanyang ku walipikasyon at nagawa, hindi pa rin matanggal ang taguring Mr. Vilma Santos dahil sa maliwanag na kadahilanan.

RALPH RECTO Kwalipikasyon: 86/Plataporma: 85/Rekord: 90 Total: 87

vuukle comment

AN WARAY

CLARO MAYO RECTO

FRANCIS PANGILINAN

GONZALES

GRINGO HONASAN

KA SATUR

MR. VILMA SANTOS

PEOPLE POWER COALITION

PLATAPORMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with