^

PSN Opinyon

Congratulations Madam Gloria

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
YEHEY!!! Wow!!! Number one na ang Pilipinas at ito ay utang na loob natin kay Madam Senyora Donya Gloria. Kung hindi sa husay niya at ng kanyang mga kapamilya, kapuso at kakampi ay hindi matatamo ng Pilipinas ang karangalang ito.

Number one na ang Pilipinas sa buong Asia sa pagiging corrupt. O kaya ba yang gawin ng mga naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Kaya ba iyan nina Emilio Aguinaldo, Manuel L. Quezon, Jose P. Laurel, Sergio Osmeña, Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Ramon Magsaysay, Carlos P. Garcia, Diosdado Macapagal, Ferdinand Marcos, Corazon Aquino, Fidel V. Ramos at Joseph "Erap" Estrada?

Hindi, never nilang natamo ang ganoong karangalan. Kahit si yumaong Pangulong Marcos na naging pinuno ng bansa sa pinakamatagal na panahon ay hindi nakamtan ang ganoong distinction. Ang Ama ni Madam Senyora Donya na si Diosdado Macapagal hindi rin nakuha iyan.

Purihin naman natin siya, bigyan natin ng masigabong palakpakan pero pakiusap lamang po, huwag naman pong once but twice. Kung ayaw n’yo namang palakpakan, tawagan po natin ang mga kaalyado niya sa telepono, hello, hello, hello, hanggang apat na beses. Tandaan n’yo, maging sinsero kaya, huwag n’yo tatawagan ng isang beses lamang at purihin sila, 14 na beses kailangan at dagdagan n’yo ng "I’m sorry."

Talagang matindi kasi si Madam Senyora Donya Gloria at utang niya siguro ito sa kanyang napag-aralan sa United States. Aba, ultimo ang kaeskwela niyang si dating US President Bill Clinton ay dinaig siya.

Dapat siguro bigyan siya ng award ng Alma Mater niya sa US. Kaya ba niya iyan, dating Pangulong FVR, kaya mo ba iyan?

Imagine, pinaka-CORRUPT SA ASIA. Anim na taong paninirahan sa Malacañang na achieve na at declaration pa ito ng Political Economic Risk Consultancy (PERC) na naka-base sa Hong Kong, kung saan galing ang kanyang foreign adviser laban sa katiwalian.

Sa Indonesia na dating number one, talo namin kayo, wala kasi kayong Madam Senyora Donya Gloria.

Mabuhay si Madam Senyora Donya Gloria. Mabuhay ang mga opisyal ng administrasyon ng Malacañang!!! Mabuhay!!!
* * *
May panawagan kami ni Lito Banayo na nauna sa aking maging General Manager ng Philippine Tourism Authority (PTA) kay Tourism Secretary Ace Durano na mag-file ng kaukulang demanda laban sa kasalukuyang GM ng PTA na si Robert Dean Barbers sa patuloy na paglabag ng batas at violation ng anti-graft law.

Ginawa naming dalawa ang panawagang ito matapos naming madiskubre na nagtatayo siya ng isang multi-sports complex sa dating driving range ng Club Intramuros kahit na walang pahintulot ito mula sa Intramuros Administration na pinamumunuan ng kaibigan kong si Butch Ferrer.

Wala rin hong kaalam alam ang mga miyembro ng board nito at ultimo si Secretary Durano na Chairman ng naturang board ay nagulat na lamang sa mga naglabasan sa pahayagan tungkol sa nasabing construction.

Dapat ding siliping maigi bakit walang bidding na nangyari sa naturang construction na ang halaga ay umaabot sa P87 million.

Pero higit sa lahat, kailangang matigil ang construction dahil matatakpan nito ang isang malaking bahagi ng Walls of Intramuros kung saan pa naman sa loob nito ay nandoon ang JOSE RIZAL SHRINE. Nagaalala rin ako sa posibilidad na gumuho ang mga parteng ito ng pader dahil sa lapit ng construction dito.

Bukod sa halatang walang pagmamalasakit ni Barbers sa ating kultura at kasaysayan ng bayan, pinakikita rin niya ang kanyang tigas ng ulo na gawin ang anumang bagay na nais niya kahit na ito ay hindi naaayon sa batas. Obvious naman siguro ano ang dahilan at dapat siyang parusahan.

Kesa kami ang magsampa ng kaso, pinauubaya namin kay Sec. Durano na ayaw naming pangunahan.

Malaking pagsubok ito kay Durano na balita ko ay isa sa mga iilang matinong opisyal ng kasalukuyang administrasyon. Kailangang kumilos ni Sec. Durano kung ayaw niyang isipin ng mga nagmamahal sa ating kultura at kasaysayan na kinukunsinti niya si Barbers. Kailangan niyang kasuhan ito kung ayaw niyang isipin ng mga taong lumalaban sa katiwalian na kunsintidor siya.
* * *
Naalala n’yo ba ang tungkol sa mga lampposts na iba-iba ang halaga pero iisa ang uri at nilagay sa tatlong siyudad sa Cebu nuong upang pagandahin ang lugar dahil sa Aseam leaders summit?

Ang mga nilagay sa Cebu city ay nagkakahalaga ng P83,000 kada isa samantalang ang nilalagay naman sa Mandaue ay P224,000 kada isa. Iisang klase, iba-iba ang halaga.

Parang mga bailey bridge na binulgar ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson ilang buwan na ang nakararaan na iba-iba ang haba at sukat pero iisa ang presyo.

Mahusay talaga ang mga ito kaya hindi tayo dapat magtaka bakit number one tayo sa pagiging corrupt sa buong Asia at naungusan na natin ang Indonesia.

Anyway, ang huling balita rito ay lumutang pa ang ilan sa mga posteng ito sa isang private resort. Imagine private resort pero pinaganda ng gobyerno, wow, pera na bayan pinang-AYOS sa pribadong property.

Baka naman, dumaan kasi ang mga leaders ng Asean kasama na si Madam Senyora Donya Gloria sa resort na ito?
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, mag-e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

DIOSDADO MACAPAGAL

DURANO

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with