^

PSN Opinyon

Suriin: Pangako sa kampanya

SAPOL - Jarius Bondoc -
LAKING galak ni San Pedro sa may pintuan ng Langit nang makita ang senador. "Magandang araw po," aniya. "Bihira lang kami makatanggap ng kasing-taas ng katungkulan niyo, kaya iba po ang pagtanggap sa inyo. Personal ko po kayong itu-tour sa Langit at sa Impiyerno para makapili kayo ng titirhan sa habampanahon.

"Dito na lang sana ako sa Langit, San Pedro," sagot ng senador. "Pero kung libre ang tour, sige silipin ko na rin ang hitsura ng Impiyerno."

Dali-dali silang napadpad sa pintuan ng Impiyerno. Sinalubong sila ng balbasing mamang nakasuot ng three-piece suit at hinila si senador sa loob. Napunta sila sa gitna ng malaking party. Nagsasayahan, sayawan at kantahan ang mga tao. Bumabaha ang champagne at masarap ng pagkain: Lobster, sugpo, balot, lechon, steak. Sa labas ng hall, may napaka-berdeng golf course. Nakita ni senador ang ilang kaibigan na pumapalo ng bola. Nawili siya sa tanawin at inabot nang gabi. Binigyan siya ng mamang naka-suit ng tatlong masahista na pumawi ng pagod niya. Inumaga sila.

Kumatok si San Pedro sa pinto at sinabihan si senador na tapos na ang tour ng Impiyerno. Sa Langit naman sila tumungo. Nag-aawitan ang mga anghel at kaluluwa sa mga ulap: Mga awit ng papuri at pasasalamat.

Hinarap ni San Pedro si senador: "Sir, pumili na po kayo kung saan niyo gusto." Medyo nahihiya si senador: "Sa totoo lang, dapat Langit agad ang piliin ko, pero sa nakita ko kahapon na kaayusan sa Impiyerno, tila hindi naman siguro masama kung ‘yun ang piliin ko, ‘di ba?"

Sa isang kislap, napabalik sa Impiyerno si senador. Laking gulat niya nang mapansing wala na ang golf course at sa halip ay kumunoy ang nandoon. Nalulunod sa burak ang mga kaibigan niya. At ang hall kung saan may party ay nilalamon ng apoy. "Ano ito?" tanong ni senador sa mamang dati’y naka-suit pero ngayon ay hubad, labas ang buntot at may taglay na trident. "Bakit nawala ang kasiyahang nakita ko kahapon?"

Sagot ng mama: "Para ka namang hindi sanay, senador. Kahapon, nangangampanya kami. Ngayon bumoto ka na."

ANO

IMPIYERNO

LANGIT

SA LANGIT

SAN PEDRO

SENADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with