Komo beteranong pulitiko ito at magaling sa balimbingan at pagiging segurista, una niyang request kay San Pedro kung maaari ba niyang tingnan ang impiyerno at agad naman siyang pinayagan at sinakay sa isang super bilis na elevator na nagdala sa kanya rito sa ilalim ng lupa. Medyo kinakabahan si traditional politician at pinagpapawisan pa ng konti pero sa isip isip niya may choice naman siya ayon kay San Pedro kaya okay lang na tingnan niya ito upang tiyakin kung saan siya sasaya.
Pagbukas na pagbukas ng pintuan ng elevator ay laking gulat niya dahil kesa apoy ang sasalubong sa kanya ay nakita niya ang kanyang mga dating kasamahan na nauna sa kanya.
Kinamayan siya ng mga ito at iba nga ay niyakap pa siya. Agad din siyang pinainom ng mamahaling alak na nilagok niya naman agad. Nagkakuwentuhan sila nang matagal at personal pa siyang hinarap ni Satanas na naka-polo shirt at golf pants taliwas sa inaasahan niyang may sungay at buntot. Katotohanan, matindi pa nga itong bangka sa usapan at enjoy na enjoy ang kamamatay lang na pulitiko.
Meryenda pa sila ng masasarap na pagkain at pagkatapos ay naglaro pa ng golf ang barkadahan. Ang mga umbrella girl nila ay kay gaganda at pawang mga sexy kaya enjoy na enjoy siya. Super din sa ganda ang design ng course at green na green ang mga damo pero nang matapos nila ang 18 holes ay puwersado na siyang umalis upang tingnan naman ang langit.
May lungkot siyang nadama pero komo magulang at segurista inisip niyang tumuloy naman sa langit upang makita ang pagkakaiba nito.
Sakay siya muli ng elevator na nagdala sa kanya sa itaas kung saan sinalubong naman siya ng mga anghel na umaawit at naglalaro sa ulap. Wala siyang makitang kaibigan o kabarkada o kapartido o kasabwat o kapamilya o kapuso o kabaro man lamang at nainip agad ang kamamatay lang na pulitiko. Sa loob loob niya, boring ang lugar na ito at sadyang tahimik kaya lapit siya agad kay San Pedro sabay deklara na may desisyon na siya at ito ay nanaisin niyang tumuloy sa impiyerno.
Komo may choice siya, agad naman siyang pinasakay sa elevator at balik sa impiyerno. Punumpuno siya ng excitement na makita ang mga kasama niya kaya laking gulat niya ng pagbukas ng pinto ng elevator ay nag-aapoy na kapaligiran ang nakikita niya.
Ang mga kasamahan niya na noong una niyang nakita ay maaayos ang damit at masaya ay hinahagupit at pinaparusahan ni Satanas. Wala na rin ang golf course at puro dagat-dagatang apoy ang nakikita niya.
Bigla siyang atras papasok sa elevator at tanong sa operator bakit iba ang nakita niya noong una siyang pumasyal at ngayong may desisyon na siya. Tugon naman ng elevator operator agad: "noong nagpunta ka, nangangampanya sila, lahat papangako nila (sabay turo kay Satanas) pero ngayong may desisyon ka na tapos ka nang bumoto."
Walang magawa ang seguristang pulitiko, pumili na siya, doon siya kasama ng mga kampon niya.
Pinadala ho sa akin iyan sa pamamagitan ng e-mail ng isang mambabasa at agad kong naisipang i-share dahil ganyan mga kaibigan ang mangyayari sa atin kung aaksayain ang ating boto.
Nakasakay ang mga tauhan ng MMDA clearing operation sa isang truck na may plakang SGJ 867 at hinabol naman agad ng nagulantang na ice candy vendor na nakasuot pa ng t-shirt ng Philippine STAR.
Imposibleng abutan ng pobreng vendor ang truck kaya nakita namin siyang umiiyak na lamang dahil tiyak walang kakainin ang pamilya niya sa araw na iyon.
Nakasunod kami sa naturang truck at kitang kita namin agad-agad na pinaghahati-hatian ang lamang ice candy ng pobreng vendor.
Sinikap ho naming habulin pero komo maluwag ang traffic ay hindi na namin nadikitan ang naturang truck na nagtungo sa Pasay.
Kakalungkot ang ginagawang pagnanakaw ng mga taong ito ng MMDA na considered pa ngang mga taong gobyerno. Of course, hindi ito ang unang balitang ganun na nakakarating sa akin bagama’t ito ang unang pagkakataong nakita ko ng personal.
Mukhang mga maliliit na uri ng pang-aabuso ang ganoong bagay pero mga maliliit din nating kababayang naghihirap ang ginaganoon nila. Bawa’t pang-aabuso at pagnanakaw na ginagawa ay nangangahulugan ng pagkalam ng sikmura hindi lamang nila kung hindi kanilang mga pamilya.
Walang magawa ang mga kababayan nating ito dahil kahit na magsumbong sila ay mas kakampihan pa ng mga opisyal dahil kailangan nilang magbulag-bulagan at guilty din naman sila ng pagnanakaw.
Lubos lang akong nagtataka kung bakit kaya pa ng mga kababayan natin kimkimin ang galit at puyos ng damdamin sa mga kalabisan gaya ng pagnanakaw, pandaraya at pagsisinungaling ng kasalukuyang administrasyon.