Sabi ni COMELEC Chairman Benjamin Abalos, ang mga botong "Aquino" na isinulat sa balota ay mapupunta sa kredito ni Noynoy at hindi kay Tessie. Ang dahilan, nagparehistro si Tessie bilang kandidato ng administrasyon na ang gamit na apelyido ay Oreta na kanyang married name.
In view of this, election lawyer Leila de Lima clarified a major issue regarding the rules on the appreciation of ballots governing the board of election inspectors. Tinuran ni de Lima ang paragraph 3, sec. 211 ng Omnibus Election Code na may kinalaman sa appreciation of ballots n case the candidate is a woman who uses her maiden or married surname or both and there is another candidate with the same surname, a ballot bearing only such surname shall be counted in favor of the candidate who is an incumbent.
Binigyang linaw ni de Lima na ang alituntunin sa "equity of the incumbent" ay balido lamang kung ang incumbent ay tumatakbo sa kaparehong posisyon. Pero sa kaso ni Noynoy na kasalukuyang Representante ng Mababang Kapulungan, siya ay kumakandidato sa bagong posisyon bilang Senador kaya hindi raw sumasakop ang alituntuning nabanggit.
Sabagay, inaamin ni de Lima na ito’y isang isyu na pihong sasailalim sa malalimang legal argument. Sa kasalukuyang batas, ang babaeng may-asawa ay pinapayagang gamitin ang kanyang maiden surname, married surname o pareho. Sa kaso ni Tessie Aquino-Oreta, sinabi ni de Lima na hindi siya puwedeng pagkaitan ng karapatan na gamitin ang alinman sa kanyang married or maiden surname o pagsabaying gamitin ang mga ito.
Para ko nang nakikinita ang mainitang debate tungkol sa usaping iyan. Alam niyo naman sa batas, maraming loopholes na malulusutan lalo pa’t ang mga mag-aargumentong abogado ay puro "de kampanilya."
Atty. de Lima further clarified that the Omnibus Election Code clearly states the functions regarding the appreciation of the ballots cast in the precincts lies in board of election inspectors (BEIs). The disposition of functions of the BEIs is governed by the rules on the appreciation of ballots under Section 211.
Ayon naman kay Professor Dindo Manhit, Campaign Manager ni dating Senador Tessie Aquino-Oreta. Masyado pang maaga para sa COMELEC Chairman na gumawa ng ganyang pahayag o opinion the reason being it may preempt future decisions of the Commission. Such statements are tantamount to suggesting bias in favor of particular parties involved.
Well, sampol pa lang iyan ng mga balitaktakan kaugnay ng nalalapit na eleksyon lalo na sa mga kandidatong nagtutunggali sa magkaparehong puwesto.