Tama ang pagkaalam mo na ang atherosclerosis ang pinaka-karaniwang dahilan ng stroke. Ito ay ang pagkitid ng major arteries na nagsusuplay ng dugo sa utak. Kapag kumitid ang ugat magkakaroon ng obstruction o di kaya’y hemorrhage. May pagdurugo sa utak na sanhi naman ng deformity ng blood vessels at ito ang tinatawag na aneurism.
Ang stroke ay maaaring maging temporary, mild ang damage, maaaring humantong sa pagka-paralysis o pagkawala ng function at maaaring mamatay sa loob ng ilang oras ang nagkaroon nito.
Mali ang paniniwala ng iba na nakahahawa ang stroke.
Para maiwasan ang pagkakaroon ng stroke kinakailangang gamutin ang sakit na nagiging dahilan nito at ito ay walang iba kundi ang atherosclerosis. Kung nagsusupetsa na kumikitid ang ugat na nagsusuplay sa utak, o ang tinatawag na carotid arteries sa batok, dapat itong operahin. Sa pamamagitan ng operasyon, aalisin ang plaque at ang deposits na nasa blood vessel. Ang ganitong operasyon ay mahalaga para maiwasan ang mga susunod pang stroke. Mapanganib nga lamang ang procedures.
Karaniwang apektado ng stroke ang mga taong nasa edad 40 pataas.