^

PSN Opinyon

Bad joke

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
NEVER pa nagka-Presidenteng Bicolano. Senador marami na: Vera, Alegre, Imperial, San Andres-Ziga, Ziga, Roco, Tatad, Honasan. Mapalad ang Kabikulan na hindi pa rin sila mawawalan ng kinatawan sa Senado dahil sa mga kandidatong sina Honasan, Escudero, Roco, Trillanes at, siyempre, si Joker Arroyo.

Si Senator Arroyo ay nakilala sa pagiging mahusay na abogado. Produkto ng UP Law, isa siya sa mga unang lumaban kay Marcos at nakulong pa. Naging kanang kamay ni Cory at pagkatapos, Congressman ng Makati. Sumikat nang husto bilang pangunahing prosecutor sa Impeachment ni ERAP sa Senado. Ang kanyang plataporma? Labanan ang Corrupt. Tagapagtanggol ng kaban ng bayan.

Sa Senado, agad hinirang na Chairman ng Blue Ribbon o ang Committee na nag-iimbestiga na katiwalian sa gobyerno. Unang pagsubok: JOSE PIDAL. Halos replay ng kanyang JOSE VELARDE. Sagot ni Joker: may "right to privacy" si Mike at Iggy Arroyo na dapat respetuhin. Patay. Pangalawang pagsubok: P3 Billion Joc-joc Bolante Fertilizer Fund. Joker: Huwag sa Blue Ribbon, sa Agriculture Committee na lang ipaungkat. Hugas Kamay. Pangatlong pagsubok: Kontrata ng Venable kung saan tinatayang malaking halaga ang kinumisyon ng ilang opisyal. Joker: May sakit yata sa puso si Norberto Gonzales. Huwag nang ipilit. Akala ko ba, labanan ang corrupt? At tumilaok ang tandang.

Independiente naman daw ang lolo. Nilabanan ang Palasyo sa EO 464 at Proclamation 1017. Siya pa ang nag-abogado sa Supreme Court sa mga pakana ni GMA laban sa Senado. Good. Kailangan ang ganung paninindigan kapag ang integridad ng Senado bilang institusyon ang nakataya. Kapag walang Senado, wala nang depensa pa ang bayan laban sa abuso ng nakapuwesto. Subalit iba ang pamantayan sa pag-review ng rekord ni Joker. Sumakay sa sentimyento ng karamihan noong 2001 laban sa inakalang kultura ng katiwalian. NAGPRISINTA SIYA. Labanan ang corrupt. At malinaw sa marami na ito’y hindi niya napangatawanan sa Senado. Sa "Hello Garci" na lang, narinig ba natin ang kanyang boses?

Sa isang laging naaasahang magsalita laban sa abuso, nakabibingi ang kanyang biglang pagtikom ng bibig.

JOKER ARROYO Kwalipikasyon: 90/Plataporma: 95/Rekord sa Senado: 65


Total: 83

vuukle comment

AGRICULTURE COMMITTEE

BILLION JOC

BLUE RIBBON

BOLANTE FERTILIZER FUND

HELLO GARCI

HONASAN

HUGAS KAMAY

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with