Mababaw imbis na mapanuri
February 12, 2007 | 12:00am
HINDI mo malaman kung ang Makati police officer o ‘yung news reporter ang mababaw. Basta ang balita, pag-aaralan pa raw kung dapat ihabla ang driver ng kumakaskas na bank armored van na lumundag mula Skyway at bumagsak sa tatlong kotse sa South Expressway, na ikinamatay ng sakay na bank teller.
Aba’y kung mapanuri si pulis, batid sana agad sa report na reckless ang driver ng armored van kaya ito umakyat hindi lang sa bangketa kundi pati sa railings ng elevated highway. At kung kritikal ang utak ni reporter, hindi niya aangguluhan nang gan’un ang istorya, dahil palalaganapin lang niya ang katamaran sa pag-iisip.
Problema kasi sa Pinoy, obvious na, ayaw pa aminin. Ehemplo ang pagkadelikado ng naglalakihang billboards sa highways. Kung maliit na pirasong yero lang ay delikado kapag nalaglag sa kalye, nasagasaan, at nakahiwa ng sasakyan, e di lalo pa ang giant boards kapag liparin ng hanging bagyo. Marami ngang namatay, nasaktan at nasiraan nu’ng nakaraang super-typhoons sa Luzon dahil sa billboards, kaya binaklas ito ng DPWH at MMDA. Pero masdan ang ganid na ad agencies na iginigiit pa ang umano’y karapatan nila sa free speech, miski nakakapinsala na sa buhay at buto. At lalong hunghang ang judge na nagpatigil sa baklasan.
Balik sa reckless driving, pinalulusot natin ang mga nagsasabing nakasagasa o nakabangga sila dahil nawalan ng giya ang sasakyan. Aba’y kasalanan nila iyon dahil overspeeding sila, o kaya’y hindi inispeksiyon ang preno at manibela bago umandar, sang-ayon sa batas ng good driving.
Maikli ang isip ng Pinoy. Nariyang wasakin niya ang gubat at dagat para sa isang kain, ibenta ang boto para sa sandaling gimmick, at guluhin lahat para sa pansari-ling interes. Dala ito sa kahinaan ng Math at Science education. Ang problema natin ay hindi kakulangan sa Inggles. Bakit mga Tsino, Hapon, Aleman o Ruso na hindi nag-i-Ingles ay nakakagawa ng computers at sub- marines at rocket ships? Kasi, miski sa sariling wika nila, sinanay sila sa critical thinking sa pamamagitan ng Math at Science.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended