^

PSN Opinyon

Gonzalez nilalait din ang pulisya

SAPOL - Jarius Bondoc -
NU’NG Martes, naitanong ko kung bakit nilalait ni Justice Sec. Raul Gonzalez ang mga kawani ng Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Malinaw ang ebidensiyang nakuha nila sa 22 Chinese poachers sa Palawan seas nu’ng Oktubre: Anim na drum ng dininamitang isda at ilang dosenang bawal na mameng. Batay dito, may probable cause na nilabag ng 22 ang Fisheries Code. Kaya bakit inaatras ni Gonzalez ang demanda sa kanila, batay sa kurokuro lang niya sa asal ng mga kawani?

Matindi ang pressure ng Chinese embassy sa Malacañang na palayain at i-absuwelto lahat ng arestadong poachers. Tinatanaw ng mga duwag sa executive branch na utang-loob sa China ang pagpirma nito ng 32 economic pacts sa ASEAN Summit nu’ng Enero, kaya pagbigyan daw ang hiling ng embassy. Hindi na bale na nilabag ng poachers ang batas ng Pilipinas at nilapastangan ang kalikasan.

Sinusuportahan pa man din ng mayayamang negosyante ang kilos ng poachers na makaalis sa Pilipinas. Mga abogado de kampanilya ang humahataw sa korte at justice department para sa kanila. Hindi na ba kaya ni Gonzalez tanggihan sila?

Inuungkat ko ito dahil biglang nagbago ang asal ni Gonzalez sa mga kawani ng gobyerno. Dati-rati pinagtatanggol niya ang mga ito. Kapag pinagsususpetsahan sila ng kung anu-ano, sinasabi niya na bigyan ng presumption of good faith ang mga ito. Mahirap daw ang trabaho nila, pero malinis naman ang motibo. Kung gan’un, bakit pinalalabas ngayon ni Gonzalez na palpak ang Coast Guard at BFAR?

Nilalait din ni Gonzalez ang pulisya nitong mga nakaraang araw. Kesyo mahina raw ang imbestigasyon kay Amin Boratong na may-ari umano ng shabu tiangge sa Pasig City. Kesyo bulaan raw ang kapatid ni Samer Palao na umamin na sa mga krimen nila ni Boratong. Kaya palayain na lang daw si Boratong.

Bakit naman iaatras ang demanda rito? Totoo kaya ang kumakalat sa justice department na election contributor pala si Boratong nu’ng 2004?

AMIN BORATONG

BORATONG

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

COAST GUARD

FISHERIES CODE

GONZALEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with