EDITORYAL Tinik ang MNLF
February 8, 2007 | 12:00am
MASYADONG nagtiwala ang gobyerno noon sa Moro National Liberation Front (MNLF) at ang ginanti ng rebeldeng grupo ay ang pagbibi-gay ng problema sa bansa. Ang problema noon ay problema pa rin hanggang ngayon ng gobyer-no. Ang grupong tinatag ni Nur Misuari ay patuloy na "tinik" at tila marami pang binabalak para lubusang bigyan ng problema ang bansa. Kahit na nasa kulungan si Misuari marami pa rin ang naniniwalang may kinalaman siya sa mga ginagawang kabulastugan ng kanyang mga tauhan.
Ang pinaka-latest na gulo na ginawa ng mga rebeldeng MNLF ay ang pangho-hostage kay Marine Major Gen, Benjamin Dolorfino, Presidential Adviser Ramon Santos at isang dosenang marines sa MNLF camp sa Panamo Sulu noong nakaraang Biyernes.
Kamakalawa, inamin na ni Dolorfino na hinostage nga sila ng MNLF. Una nang sinabi nina Dolorfino na hindi sila hinostage. Mariin ang kanilang pagpapabulaan. Sabi ni Dolorfino hinostage sila sapagkat binawalan silang makaalis sa kampo ng mga rebelde. Dinisarmahan din sila.
Pangho-hostage talaga ang termino sa ginawa sa kanila. Kahit na sinabi pang maayos ang pagtrato sa kanila roon at ipinagluto nang masarap, hindi maitatatwa na pinigil sila ng mga rebelde para maipilit ang kanilang demand para sa tripartite meeting sa Oganization of Islamic Conference na gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia sa susunod na buwan. Sabi ng MNLF mayroon daw hindi sa 1996 peace agreement.
Ang pag-hostage kina Marine Gen. Benjamin Dolorfino at mga kasama ay nagbigay na naman ng bahid sa MNLF. Marami nang duming nakakulapol sa MNLF at walang ibang gumawa ng kanilang ikadurumi kundi mismong ang kanilang lider na si Misuari.
Nakipag-negotiate na ang gobyerno kay Misuari noong 1996 subalit walang nangyari. Sayang lamang ang effort ng gobyerno.
Nabalutan din ng corruption makaraang pagtiwalaan ni dating President Ramos na pamunuan ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) bilang governor. Walang naidulot si Mi- suari sa ARMM kundi ang lalo pang paglala ng problema. Hanggang sa magsagawa siya ng pananalakay sa Zamboanga del Sur. Tumakas siya patungong Malaysia. Nahuli siya at ikinulong.
Tinik hanggang ngayon ang MNLF. Nagsisisi marahil ang mga opisyal na nagbigay ng importansiya kay Misuari noon. Sayang talaga ang pagkakataon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest