^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Samsamin ang mga baril para ang eleksiyon ay ‘di malagim

-
TUMATAAS ang bilang ng mga napapatay habang papalapit ang election. May kaugnayan sa pulitika ang mga nagaganap na krimen. At tila walang magawa ang Philippine National Police (PNP) kung paano mapipigilan ang mga sunud-sunod na pagpatay. Una nang napatay ang isang mambabatas sa Abra at hanggang ngayon hindi pa ito nalulutas. Pawang dakdak lamang ang nangyayari.

Ang mga nangyayaring krimen marahil ang dahilan kaya inatasan ni President Arroyo ang PNP na bantayan at pangalagaan ang mga balota sa darating na May 14, 2007 elections. Nakikita niyang magiging madugo nga ang eleksiyon.

Magagawa ng PNP na mapanatili ang kaayusan at mapangalagaan ang balota kung magagawa nilang samsamin lahat ang mga illegal na baril. Ang pagkalat ng mga illegal na baril kung eleksiyon ang kinatatakutan ngayon. Tiyak na gagawin ng mga kandidato ang lahat ng paraan para sila manalo, kahit pa ito ay magbunga ng pagpapatayan.

Maraming baril ang ikakalat ng mga magkakalaban sa pulitika at gagamitin sa pagpatay sa kalaban at pananakot sa mga botante. Dadanak ang dugo at maraming iiyak dahil sa karahasan. Maraming mauulila dahil sa magulong eleksiyon.

Mga guro ang karaniwang nabibiktima sa panahon ng eleksiyon. Ang mga guro ang naatasang tumulong para magbilang ng boto. Nakasaad sa batas na kailangang ang mga guro ang magiging watcher.

Karaniwang napapatay ang mga guro sa pagdepensa sa mga balota. Mayroong binabaril na watchers at sa maniwala at sa hindi, hanggang ngayon ay nananatili pa rin silang nauuhaw sa hustisya. Hindi nila alam kung hanggang kailan sila maghihintay sa inaasam na hustisya.

Isa sa mga naging biktima ng karahasan sa eleksiyon ay ang guro sa Batangas na si Mrs. Tatlonghari. Si Tatlonghari ay watchers sa eskuwelahan na pinagturuan. Siya ang inatasang magdala ng mga listahan ng tally. Hanggang sa agawin ng mga hindi kilalang lalaki ang ballot box. Matapang na pinrotektahan ni Mrs. Tatlonghari ang mga ballot boxes. Binaril siya at napatay.

Samsamin ang mga baril. Paigtingin ang gun ban. Ito lamang ang tanging paraan para maging matiwasay ang election sa bansang ito.

ABRA

BATANGAS

BINARIL

DADANAK

MARAMING

MRS. TATLONGHARI

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT ARROYO

SI TATLONGHARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with