Babala sa mga babaing menor-de-edad baka manyakis ang inyong ka-textmate!

NAKASISIGURO ba kayo na ang ka-textmate ng inyong anak na menor-de-edad ay kanilang mga kila-lang kaibigan? Di naman kaya na ang ka-textmate ni totoy o ni nene ay isa sa mga walang magawa kundi pagsamantalahan at paglaruan ang kanilang kabu-butan, gamit ang cellphone.

Ilang mga operasyon na ang nagawa ng BITAG ilan dito mga iba’t ibang modus na ang kasangkapan ay ang cell phone. Una na sa aming listahan ang text scam o ang pagpapakalat ng mga congratulatory text messages.

Ikalawa ay ang cell phone pornography o yung mga sex videos at sex scandal sa cell phones. Ikatlo, ang kontrobersyal na escort service ng kolokoy na si Benj Quinto.

Matatandaan na para mapanatili nito ang kanyang negosyong escort service, kinukunan niya ang kanyang pakikipagtalik sa kanyang mga alaga at saka ipakakalat ang video sa publiko.

Panghuli, ang kasong idinulog ni Mary Ann laban sa manyak niyang ka-text mate na si Lester Untalan.

Estilo ni Untalan na mahulog muna ang loob ng kanilang mga biktimang ka-textmate sa pamamagitan ng mga love and inspirational messages bago ito ikama at kokotongan.

Ang panibagong nagsumbong sa BITAG ay ang dose-anyos si Angel. Mga quotes at mga inspirational messages na itine-text ng kolokoy na si Arnold sa kanya. Nakuha ni Angel ang tiwala ng biktima kaya pumayag itong makipagkita. Ginahasa si Angel ni Arnold. Inilihim niya ang panggagahasa sa kanya subalit kumalat sa kanilang lugar ang pangyayari. Ikinalat ni Arnold.

Walang nagawa ang ina ni Angel kundi ang umiyak.

Babala ng BITAG sa mga magulang, ingatan ang inyong mga anak na babae bago pa man ito magahasa ng ka-textmate.

Show comments