Brand new o branded na cellphone walang kasiguraduhan!
January 29, 2007 | 12:00am
Sa panahon ngayon nagkalat ang ibat ibang klaseng cellphone mga branded at brand new. Na mabibili sa mga cellphone store sa mga tiangge, maging sa mga magagarang mall at kung saan-saang lugar.
Pero nakakasiguro ka ba na ang nabili mong cell-phone ay pumasa sa quality assurance at quality control sa bansang pinanggalingan nito. Baka naman ang nabili mong cellphone ay matatawag na smuggled at hindi lehitimo.
Katulad na lamang ng reklamong natanggap ng BITAG buhat sa dalawang nagrereklamo. Nakabili sila ng cellphone sa magkaibang lugar pero parehas ang kanilang mga nabili ay mga depektibong cellphone.
Dahil sa reklamong ito kilos pronto umaksyon ang BITAG pero bago man makipag-ugnayan ang grupo ng BITAG sa National telecommunication o NTC na may kapangyarihan sa ganitong reklamo.
Kumuha muna ang BITAG ng isang batikang cellphone technician sa isang mall para malaman kung ano ang nangyari sa dalawang cellphone ng mga nagrereklamo. Dito nalaman ng BITAG na malabo ng magawa ang mga naturang cellphone dahil depektibo ito.
At nang makipag-ugnayan na ang BITAG sa NTC dito na pinatunayan sa BITAG ng mga kinatawan ng NTC na hindi ito dumaan sa kanila dahil wala itong NTC logo na nagpapatunay na itoy legal at pumasa sa quality assurance at quality control kung saan mang bansa ito dumaan.
Isa pa hindi ito nabili sa legal o lehitimong cellphone outlet o dealer. Kaya tinungo ng BITAG ang Cell Care Center sa may SM North Quezon City kasama ang mga kinatawan ng NTC para ipamukha sa kanila ang kanilang pagkakamali.
Nung una nakuha pang mangatwiran sa BITAG ng may-ari ng cellphone store pero habang humihirit siya ay lalo lang siyang nahuhulog sa aming BITAG. Kaya sa huli walang nagawa kung hindi ibalik na lang ang perang ibinayad ng nagrereklamo.
At maging ang isang nagrereklamo ay sinamahan ng BITAG at NTC sa Greenhills na kung saan ay pinalitan na lang ang yunit na kanyang nabili.
Hindi estilo ng BITAG na manira ng kahit anong uri ng negosyo, layunin lamang ng BITAG na ipakita at ipatupad ang karapatan ng mamimili sa tamang paraan.
Kaya babala ng BITAG sa mamimili lalung-lalo na yung nagbabalak bumili ng cellphone mas magandang bumili na kayo sa mga lehitimong cellphone dealer at hanapin ang NTC logo para makasiguro sa inyong bibilhin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest