^

PSN Opinyon

Masama at mabuti sa paglabas ng nurses

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
SINABI ni dating Senator Ernesto "Boy" Herrera na 15, 171 na mga Pilipino ang kumuha ng US National Council Licensure Examination (NCLEX) para sa mga nurses magmula Enero hanggang Disyembre noong nakalipas na taon. Ang bilang na ito ay para sa mga first time takers lamang at hindi kasama ang mga repeaters. Sinabi ni Sen. Herrera na tumaas ng 65% ang bilang ng mga kumuha noong 2005.

Ayon kay Herrera, ang malaking bilang na ito ay isang patunay na talagang nangunguna nang supplier ng mga nurses ang Pilipinas sa Amerika. Dagdag niya pa na sumunod lamang ang India sa kanilang 4,395 examinees, ang South Korea na may 2,145, Canada na may 943 at Cuba na may 537.

Masama ba o mabuti ang balitang ito para sa atin? Ang sabi ng iba, masama raw ang brain drain ng mga nurses, kasi nauubusan na raw tayo ng mga nursing professionals para sa ating sariling pangangailangan. Ayon naman kay Herrera, suportado raw ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang pag-deploy ng mga professionals sa abroad, dahil mas mabuti pa ito sa pag-deploy ng mga unskilled workers. Dagdag pa niya na ang mga unskilled workers daw ay madaling palitan ng mga employers, kaya mas madali silang maabuso.

Sang-ayon ako sa mga sinabi ng magiting na senador, pero may dagdag pa ako sa mga sinabi niya, na mas maganda talaga kung ang mga nurses natin ay mapunta sa mga bansa na kung saan maari nilang isama ang kanilang mga pamilya. Bagamat kailangan ng ating bansa ang remittance ng mga nurses kahit saan man sila mapupunta, mahalaga rin dapat na huwag mabuwag ang pagsasama ng mga pamilya dahil lamang sa pera. Bagamat tama rin ang sabi ng iba na nababawasan na tayo ng nurses, ang solution naman diyan ay ang pag-produce pa ng mas maraming nurses, dahil sila naman ang in demand sa buong mundo.
* * *
Makinig sa "USAPANG OFW" sa DZRH tuwing Linggo 10 to 11 a.m. Mag-e-mail sa [email protected] at mag-text sa 09187903513.

vuukle comment

AYON

BAGAMAT

DAGDAG

HERRERA

NATIONAL COUNCIL LICENSURE EXAMINATION

NURSES

SENATOR ERNESTO

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with