^

PSN Opinyon

Piatco Fiasco; Atong ‘bomb’

- AKSYON NGAYON Ni Al G. Pedrcohe -
NAGBAYAD daw ng $1 milyon ang PIATCO sa isang media consultant para sa pagpapalabas ng 155 artikulo na pumapabor sa kasunduan nito sa gobyerno sa pagtatayo ng kontrobersyal na NAIA terminal 3. Lubhang maanomalya ang usaping ito na hanggang ngayo’y di pa matapus-tapos. Ang leksyon: Kung talagang may baho sa ano mang transaksyon, kahit anong ‘‘pa-pogi’’ blitz ang gawin, sisingaw at sisingaw ang amoy.

Sa ngayon, abala sa kadedepensa ang pamahalaan laban sa asuntong iniharap ng Fraport AG sa International Court for Settlement of Investment Disputes (ICSID) para mabawi ang limpak-limpak na perang ipinuhunan sa pagtatayo ng NAIA-3. Sabagay, puro abogado de kampanilya ang nakatalaga sa defense panel ng Pilipi-nas kabilang sina Solicitor General Nachura, retired SC justice Feliciano at Carol Lamm ng White and Case LLP. Sana’y magtagumpay ang bansa sa kasong ito.

Pero kung grandiosong anomalya ang pag-uusapan, may mas malaki pa kaya sa kasong plunder na iniharap laban sa dating Pangulong Joseph Estrada? Umaasa si Estrada na maaabusuwelto sa dakong huli pero tila nadidiin siya sa kumunoy ng kapahamakan.

Sumabog na nga ang "Atong bomb" na magdidiin sa dating Presidente. Umamin ang "kaibigang karnal" ng dating Presidente na si Charlie "Atong" Ang na kasama siya ng dating Pangulo sa pagmanipula sa kontrobersyal na P130-milyong tobacco excise tax ng Ilocos Sur para mailipat ang malaking bahagi nito sa kanilang personal account. Ang pag-amin ay ginawa ni Ang sa kanyang arraignment kaugnay ng kasong plunder na nakasampa laban sa kanya at sa dating Pangulo.

Ginagawa ang ganyang pag-amin sa mga kaso para maiwasan ng isang akusado ang mabigat na parusa. Plea bargaining ang tawag. Ito na kaya ang moment of truth?

Parang teleserye na sinusubaybayan ng tao ang kasong ito. Marami pang twists and turns na posibleng mangyari para mabago ang takbo ng istorya. Abangan na lang ang susunod na kabanata.

Gambling mate ni Erap si Atong. Best friend ‘ika nga. At teribleng makipagkaibigan ang ex-president. Halos pati buhay ay itataya para sa matalik na kaibigan. marami ang makakapagpatotoo riyan.

Ngunit sa kasong ito, bumaligtad si Atong at ang kanyang pag-amin ay lalung nagdiin sa kasong kinakaharap ni Erap na umaasang nalalapit na ang kanyang paglaya. Kung hindi naalis ang parusang kamatayan, malamang bitay ang kahihinatnan ng dating Pangulo kapag napatunayang nagkasala sa kasong plunder.

ATONG

CAROL LAMM

ERAP

ILOCOS SUR

INTERNATIONAL COURT

KASONG

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SETTLEMENT OF INVESTMENT DISPUTES

SOLICITOR GENERAL NACHURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with