^

PSN Opinyon

Mga tiwaling opisyal, kutyain ng simbahan

SAPOL - Jarius Bondoc -
BILANG sangay ng Simbahang Katoliko, tinuturuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting ang mamamayan na bumoto nang tama. Naglabas ito ng Sampung Utos para sa mga botanteng Katoliko. Kabilang sa Utos ang pagboto batay sa konsensiya, hindi sa pera, pakisama o utang na loob; pagkilatis ng pagkatao at plataporma ng kandidato; pagwaksi sa mga kandidatong imoral at corrupt; at pagtaguyod sa kapakanang bayan.

Tuwing eleksiyon lumalahok sa voter education ang iba pang mga samahang Katoliko. Naglalabas ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ng pamantayan ng mga kandidatong pambansa, at nagku-quick count ang ilang watchdog groups sa Visayas at Mindanao.

Sa dami ng aktibidad ng mga samahang Katoliko mula nu’ng 1986 snap presidential election, nakapagtataka na tila walang pinagbago ang mga botante. Sa halos sampung pambansang halalan, iniluluklok pa rin ng mga mayoryang Katolikong botante ang mga di kanais-nais na Presidente, Vice, senador, congressman, gobernador, meyor, etc. Ito ang traditional politicians at kaanak nila na tiwali, babaero, lasenggo, sugarol, abusado at mapagsamantala.

Dapat baguhin ng mga obispo at samahang Katoliko ang estratehiya nila. Imbis na sa botante sila nakatuon, sa kandidato naman. Imbis na ituro sa mamamayan ang mapagsuring pagpili, puntiryahin kaya nila ang mga salbaheng kandidato.

Ilantad nila kung sino sa mga kandidato ang pinopondohan ng perang jueteng o droga. Alam ito ng parish priests dahil nakalubog sila sa masa. Bistuhin na rin kung sino ang mga may querida at masamang ugali, namimili ng boto at nandaraya sa bilangan.

Pagkaitan na rin dapat ng Penance at Communion ang mga tiwaling opisyal. Masama ang epekto ng dalawang Sacraments sa kanila. Sa isip nila, kapag naikumpisal na ang kalokohan, at sinundan pa ng Komunyon, malinis na sila. Saka sila uulit ng pagnanakaw sa kaban ng bayan – at pagkatapos ay muling magkukumpisal at Komunyon. Ayos!

ALAM

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

IMBIS

KATOLIKO

KOMUNYON

PARISH PASTORAL COUNCIL

RESPONSIBLE VOTING

SAMPUNG UTOS

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with