^

PSN Opinyon

Makikita sa bibig at vagina ang candidiasis

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
"Dear Dr. Elicaño, ano po ba ang candidiasis? Matagal ko na pong gustong sumulat para magtanong pero hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung paano ipadadala. Sana po masagot mo ang aking mga tanong. Mahalaga ko pong malaman kung ano ang sakit na ito…" — VERNA M. ng Pasay City

Salamat sa sulat mo Verna. Ang candidiasis ay fungal infection na ang may kagagawan ay ang organism na Candida albicans. Makikita sa bibig at sa vagina ang candidiasis. Nagkakaroon ng skin infections sa mga areas na ito. Ang ilalim ng mga suso ay maaari ring magkaroon ng skin infection dahil sa friction. Ang mga sanggol ay maaaring magkaroon ng candidiasis sa bibig.

May mga uri ng Candidiasis na infections ay lumilitaw kapag ang katawan ay nakikipaglaban sa ibang sakit o infection na kagaya ng flu. Ang mga nagti-take ng antibiotics, hormones, o steroiud drugs kagaya ng gamot sa asthma, at ang mga taong stress ang madaling kapitan ng candidiasis.

Ang Candida ablicans ay isa sa mga microorganisms na naninirahan sa bibig at maging sa balat. Ang mga microorganism na ito ang nagiging dahilan ng problema kapag nagmultiply na.

Kapag ang protective bacteria ay napinsala o ang immune system ay mahina dahil sa paggamit ng broad spectrum antibiotic, ang candida cells ay maaaring magparami at gumawa ng infections.

Ang mga sanggol ay ipinanganak na walang proteksiyon at natanggap ang una nilang friendly bacteria mula sa kanilang ina nang magdaan sa birth canal. Ang pagsuso ng baby sa kanyang ina ay mahalaga sapagkat nakaiiwas sila sa infections.

Sana ay nasagot ko ang katanungan mo Verna.

CANDIDIASIS

DR. ELICA

KAPAG

MAHALAGA

MAKIKITA

MATAGAL

PASAY CITY

SANA

VERNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with