Para sa kapakanan ng publiko, isinusulat namin ang kolum na ito upang maiwasan ang pang-aabuso.
Bago pa man magsimula ang gun ban marami nang reklamo at sumbong na natatanggap ang BITAG sa pagsasagawa ng checkpoint ng mga pulis.
Unang bahagi ng 2006, nang inisa-isa ni dating PNP Spokesperson General Leopoldo Bataoil sa aming live interview sa TV at radyo ang tamang pamamaraan sa pagsasagawa ng checkpoint.
Sakaling may gustong idagdag ang kasalukuyang pamunuan ng PNP, puwede nilang gamitin ang kolum na ito.
Kasabay nito, nananawagan ang BITAG sa mga kapatid namin sa hanapbuhay na maging agresibo at aktibo sa pagsilip sa mga isinasagawang checkpoint sa Kamaynilaan.
Narito ang mga sumusunod na mga guidelines pagdating sa pagsasagawa ng checkpoints.
Una Dapat isinasagawa ang checkpoint sa mga maliliwanag na lugar kung saan nakikita ng publiko.
Pangalawa Dapat may mga karatula o signages sa mga nasabing lugar ng checkpoint.
Pangatlo Kinakailangan ng partisipasyon ng mga opisyales ng barangay maging ang mga NGOs sa isinasagawang checkpoint.
Pang-apat Dapat naka-uniporme ang mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint.
Pang-lima Pagpapakita ng pagiging magalang ng mga pulis, barangay officials at NGOs sa kanilang isinasagawang checkpoint.
Pang-anim o panghuli Hindi puwedeng at random ang pagpapababa ng sasakyan ang mga pasahero at kinakapkapan isa-isa, tinitingnan ang laman ng kanilang wallet at bulsa, maliban na lamang kung ito ay mga suspek at itinawag sa radyo at nagtutugma sa report at deskripsyon ng sasakyan.
Pinag-iingat na-min ang publiko, dahil may mga ilang bugok na itlog na pulis na ginagawang livelihood ang checkpoint.
Ang mga pangyayaring ito ay dokumentado sa mga balita sa mga pahayagan.
Isang hubot hubad na katotohanan ang ginagawa ng ilang tiwaling pulis ang checkpoint sa kanila pang huhulidap, planting of evidence, panggigipit at blackmail sa kanilang mga nakukursunadahang biktima.