^

PSN Opinyon

Checkpoint sa Kamaynilaan, sinilip ng BITAG

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
KABAHAGI na sa trabaho ng BITAG ang pagsilip sa pagsasagawa ng mga checkpoint ng mga pulis.

Para sa kapakanan ng publiko, isinusulat namin ang kolum na ito upang maiwasan ang pang-aabuso.

Bago pa man magsimula ang gun ban marami nang reklamo at sumbong na natatanggap ang BITAG sa pagsasagawa ng checkpoint ng mga pulis.

Unang bahagi ng 2006, nang inisa-isa ni dating PNP Spokesperson General Leopoldo Bataoil sa aming live interview sa TV at radyo ang tamang pamamaraan sa pagsasagawa ng checkpoint.

Sakaling may gustong idagdag ang kasalukuyang pamunuan ng PNP, puwede nilang gamitin ang kolum na ito.

Kasabay nito, nananawagan ang BITAG sa mga kapatid namin sa hanapbuhay na maging agresibo at aktibo sa pagsilip sa mga isinasagawang checkpoint sa Kamaynilaan.

Narito ang mga sumusunod na mga guidelines pagdating sa pagsasagawa ng checkpoints.

Una
Dapat isinasagawa ang checkpoint sa mga maliliwanag na lugar kung saan nakikita ng publiko.

Pangalawa
Dapat may mga karatula o signages sa mga nasabing lugar ng checkpoint.

Pangatlo
• Kinakailangan ng partisipasyon ng mga opisyales ng barangay maging ang mga NGO’s sa isinasagawang checkpoint.

Pang-apat
• Dapat naka-uniporme ang mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint.

Pang-lima •
Pagpapakita ng pagiging magalang ng mga pulis, barangay officials at NGO’s sa kanilang isinasagawang checkpoint.

Pang-anim o panghuli
• Hindi puwedeng ‘‘at random’’ ang pagpapababa ng sasakyan ang mga pasahero at kinakapkapan isa-isa, tinitingnan ang laman ng kanilang wallet at bulsa, maliban na lamang kung ito ay mga suspek at itinawag sa radyo at nagtutugma sa report at deskripsyon ng sasakyan.

Pinag-iingat na-min ang publiko, dahil may mga ilang bugok na itlog na pulis na ginagawang livelihood ang checkpoint.

Ang mga pangyayaring ito ay dokumentado sa mga balita sa mga pahayagan.

Isang hubo’t hubad na katotohanan ang ginagawa ng ilang tiwaling pulis ang checkpoint sa kanila pang huhulidap, planting of evidence, panggigipit at blackmail sa kanilang mga nakukursunadahang biktima.

CHECKPOINT

DAPAT

ISANG

KAMAYNILAAN

KASABAY

KINAKAILANGAN

NARITO

PAGPAPAKITA

SPOKESPERSON GENERAL LEOPOLDO BATAOIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with