Gagastos nang malaki ang mga kakandidato at saka babawiin pag nanalo
January 11, 2007 | 12:00am
APAT na buwan na lamang at eleksyon na kaya huwag nang umasa sa mga pulitiko na aatupagin ang pangangailangan ng mamamayan. Ang konsentrasyon ng mga pulitiko ngayon ay kung paano sila mananatili sa kapangyarihan.
Masasaksihan na naman ang tunay na pag-uugali ng mga pulitiko. Makikita na naman kung sino sa kanila ang paruparo na nagpapalipat-lipat ng partido. Magkakabukuhan na kung sino ang mga oportunista, loyalista at may prinsipyo. Dapat ding mabulgar ngayon kung papaanong makaka-afford na tumakbo ang isang kandidato. Milyong piso ang ginagastos ng kandidato sa maliit na bayan. Daang milyon naman ang ginagastos ng tumatakbo sa siyudad at ang ginagastos para maging senador ay hindi bababa sa P200 milyon hanggang kalahating bilyon.
Ang tanong ay kung saan nanggaling ang perang ginagastos ng mga kandidato at kung papaano maibabalik ang ginastos nila, manalo man o matalo. Hindi na nakapagtataka kung bakit matindi ang graft and corruption sa bansang ito.
Siguradong maglalabas ng pera ang lahat ng kandidato sapagkat hindi sila mananalo kung hindi ito gagawin. Pera ang kailangan upang tumakbo sa anumang posisyon kahit na sabihin pang sikat na artista ang kandidato. Sabagay, karamihan sa mga sikat na artista ay nakaipon na nang pera na maaari nilang gamiting capital upang makahawak ng makapangyarihang posisyon sa gobyerno. Tutal maaari namang bawiin ang perang ginastos.
Suriin na ang mga kakandidato sa eleksyon. Ilista ang kaibahan nila sa mga nakaupo sa gobyerno ngayon. Huwag nang magpaloko!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest