EDITORYAL Nauuna ang pagkampanya bago pag-file ng kandidatura
January 10, 2007 | 12:00am
![](./main/20070110/images/pinoytoon.gif)
Dahil sa maagang pangangampanya, nagsisimula nang dumilim at dumumi ang kapaligiran sapagkat nagsabit at nagdikit na kung saan-saan ang mga streamers at posters ng mga taong halatang-halata ang gimik na tatakbo sa May 14. At isang malaking katanungan kung mayroong magagawa ang Commission on Elections sa ginagawang ito ng mga taong nagbabalak kumandidato. Halatang-halata naman kaya siguradong alam din ng Comelec ang nangyayaring ito. Isang uri na ng pangangampanya ang ginagawang ito. Matatawag na ngang electioneering na mahigpit na ipinagbabawal ng Comelec.
Sabagay, ano nga ba ang magagawa ng Comelec sa mga taong nagpapaskel ng kanilang mukha at greetings sa mga poste at pader gayong ang mga pulitikong bumabati sa TV sa loob ng ilang Segundo ay hindi nila masawata. Pati commercial sa TV ay ginagamit sa pangangampanya.
May mga pumalag na sa ginagawang electioneering ng mga nagbabalak tumakbo sa election at hiningi na ang panig ni Comelec chairman Benjamin Abalos. Sagot ni Abalos, wala raw sila sa jurisdiction para pagbawalan ang political ads sapagkat hindi pa naman nagpa-file ng candidacy ang mga taong itinuturong lumalabag sa election laws.
Kung ganito ang katwiran ng Comelec, hindi patas ang laban sapagkat ang mga pulitikong may pera na maaaring magbayad ng ads sa TV at diyaryo ay namamayagpag na.
Dapat magkaroon ng ngipin ang Comelec sa nangyayaring ito na malinaw na maagang pangangampanya ng mga pulitiko.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended