Ilang impormasyon na ang natatanggap ng BITAG na patuloy ang operasyon ng escort service sa bansa, pasimple ang pangangalakal sa mga estudyanteng babae sa pamamagitan ng website na ibibigay lamang sa mga taong kanilang parukyano. Maingat ngayon ang grupong nasa likod nito.
Matatandaang matagumpay na nahulog sa BITAG ang nasa likod ng escort service na si Benjamine Quinto. Sa tulong ng isang asset na naging biktima rin.
Malaking pera ang pang-akit kapalit ang oras na ilalaan sa pagsama lamang sa foreigner, pulitiko at kung sinu-sino pa bilang escort.
Subalit sa likod ng lahat ng ito ay prostitusyon. Mga kabataang kababaihang naliligaw ng landas, nalululong sa bisyo o yung produkto ng broken family ang kanilang nahihikayat. Ito ang katotohanan base sa isang escort service na lumapit sa BITAG.
Kung dati advertisements sa mga broadshet at tabloid ang kanilang ginagamit ngayon sa pamamagitan ng pagpasok sa kanilang website. Karaniwang parukyano ay ilang mga pulitiko, artista at mga businessman.
Kaya upang makasiguro na hindi kabilang ang inyong mga anak ng escort service bisitahin paminsan-minsan ang inyong anak sa kanilang tinutuluyang boarding houses at dormitory at pagmasdan ang ikinikilos nila. At higit sa lahat silipin ang kanilang attendance sa paaralan.
Kung may pagdududa kayo tumawag sa BITAG. Ang lahat ng itoy itinuturing naming confidential.