^

PSN Opinyon

Taghirap pa rin sa 2007?

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
TATLONG araw na lamang at magpapalit na ang taon. Magpapaalam na ang 2006. Para sa mga gahamang pulitiko, umaasa silang titipak na naman sila sa 2007.

Samantalang ang nakararaming Pilipino ay hindi pa rin makasiguro kung anong kapalaran nila sa 2007. Hindi pa man nagsisimula ang Bagong Taon ay nakakaram-dam sila na maaaring taghirap pa rin ang magiging kalagayan dahil ilang buwan na lamang ay eleksyon na. Nagpopormahan na at mainitan na ang mga pulitiko kaya napapabayaan na ang kanilang mga tungkulin sa mamamayan.

Nasaksihan ang sinayang nilang panahon at pera ng bayan ngayong 2006. Walang ginawa ang mga opisyal kundi magpulitikahan. Walang hinto ang batuhan ng mga paratang sa graft and corruption, Charter change, impeachment at iba pang mga political gimmicks para sumikat o manatili sa kanilang mga posisyon sa gobyerno.

Akala ay tapos na ang usapan sa Cha-cha ngunit hindi pa pala. Hindi ba napakalaking kalokohan ito. Nahahalata tuloy na mahalaga sa kanila ang Cha-cha dahil sa kanilang personal na interes. Bakit na lang hindi nila gugulin ang kanilang panahon kung paano makaaahon ang ekonomiya ng bansa at nang gumanda ang pamumuhay ng mamamayan.

Sana ay mali ang nararamdaman ng mamamayan. Sana ay tablan ng hiya ang mga nasa puwesto para bumuti ang kanilang pagpapalakad para sa kapakanan ng mamamayan. Sa 2007 idalangin natin na hindi lamang ang Pilipinas ang maligtas sa panganib ng terorismo kundi pati na ang buong mundo. Happy New Year to all!

BAGONG TAON

BAKIT

HAPPY NEW YEAR

MAGPAPAALAM

NAGPOPORMAHAN

NAHAHALATA

SANA

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with